CHAPTER 01: CAPTURE IN ACT
I killed Reisa?
No, hindi iyon totoo dahil bakit ko naman gagawin sa kanya? Mahal na mahal ko siya. I was even loyal to her where I couldn’t dare to love another woman than her.
Bakit sinabi ni Hezie na pinatay ko daw siya? Halatang confident din siya sa kanyang sinasabi sa akin kanina. Kitang-kita ko gaano siya kagalit na unang beses ko pa nakita sa kanya.
Wala akong maalala na gaanon na nangyari. Matino pa rin ang pagiisip ko. Hindi ko magagawa na patayin siya.
Nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa loob ng interrogation room ng police room upang kausapin daw ako tungkol doon.
Kanina sa labas ay naririnig ko na malakas na nagrereklamo ang mga magulang ko dahil galing pa ako nakalabas sa ospital pero gusto daw ito sa mga magulang ni Reisa. Huminga ako ng malalim dahil ilang minuto na ako nakaupo dito sa loob.
Inilibot ko ang tingin sa paligid habang nakaposas pa din ako. Bahagyang may kadiliman na tanging isang maliit na light bulb ang nagbibigay ilaw.
Nakapunta na ako dito noon bilang witness sa pagkamatay ni Marcellus Rastelli pero ngayon kakaiba na ang pakiramdam ko dahil nandito ako kasi ako ngayon ang suspek.
Mahigpit akong napahawak sa dalawa kong kamay. Gusto ko maiyak sa takot pero wala ng luhang lumalabas. Malakas na lang ang kalabog sa dibdib ko at buong katawan ko ay kanina pa nanlamig. Takot na takot ako sa anong posibleng mangyari dahil hindi ako sanay sa ganito.
Biglang bumukas ang pintuan kung saan pamilyar ang mukhang pumasok. I recognized him as Detective Riveros who handle Marcellus’s case a month ago. Kompara noon mukhang mas stressed siya ngayon pero strikto ang aura na umupo sa harapan ko.
“Good morning, sorry for interrupting your recovery” he said then took out his note pad together with a black ballpen from his coat and placed it in the table. “How are you feeling?”
Hindi ako sumagot kung saan tumitig lamang ako sa kanya. Tatanungin talaga niya ako ng gaanon tanong? Halata naman hindi ako okay dahil ikukulong na nila ako.
“You are Allen Marquez, a college student. We’ve already met before in a case right?” Detective Riveros remarked while resting both of his elbow on top of the table then started to question me. “What happen to you? Bakit ka ngayon nandito? Alam mo ba?”
“Sa totoo lang Detective wala talaga akong alam. Hindi ko maalala ang lahat na nangyari. Maniwala ka man sa akin o hindi” mariin ko na sagot.
Tumingin muna siya sa kanyang notepad bago inangat ang tingin sa akin ulit. “From what the doctor and your parents told us. Nagkaroon ka daw ng mild amnesia due to shock from that night. Sobrang traumatic daw ang experience na iyon dahilan pinilit ng utak mo na kalimutan ang nangyari. May sandali din na nagising ka ngunit nahimatay din sa shock. Tama ba ako?”
BINABASA MO ANG
Blues of Portraitist
Mystery / Thrillermystery series #2 complete | unedited The brightest and happiest person are what everyone could describe about Allen Marquez. A social butterfly that can make anyone be friends with. He indeed could shine like a star to everywhere he went along with...