CHAPTER 02: BROKEN AND LOSE
THIRD PERSON’S POV
“May bisita ka Marquez” wika ng police officer.
Nakahiga ngayon sa sahig si Allen na hindi pa rin nakapagpalit ng damit na nasa loob ng selda. He’s been currently detained in the police station. Wala siyang kasama dahil hindi naman gaanong maraming krimen na nangyayari sa kanilang siyudad nila.
Walang gana siyang bumangon at sumunod sa police papalabas upang puntahan ang bisita daw niya. Bahagyang nahihirapan pa siya maglakad kaya’t inalalayan ng police officer.
Agad nagsalubong ang kilay niya ng makita ang tatlong kaibigan niya noon na nandoon naghihintay sa kanya. Bahid sa mukha nilang nag-aalala sila sa kanyang kalagayan pero halos hindi makagalaw si Allen at hindi alam kung anong gagawin.
“Allen…” mahinang sambit ni Jin sa kanyang pangalan at dahan-dahan na tumayo. His voice started to shake. “Kamusta ang sugat mo? Okay ka lang ba?”
“Bakit kayo nandito?” diretsahang tanong niya sa kanilang tatlo at humugot ng malalim na hininga bago ulit nagsalita. “I’ve already cut ties with you. Palagi ko na kayong iniiwasan sa school tapos bakit pa kayo nagpakita sa akin? Tinapos ko na ang pagkakaibigan natin–”
“Dahil sa nangyari ni Marcel?” pagtatapos ni Ren sa kanyang sasabihin dahilan na matigilan doon si Allen. “Ilang beses ba ako humingi sa’yo ng tawad? I’m really sorry for everything that had happen. Maling mali ako sa ginawa ko noon ‘lalo na tinago ko sa’yo. Alam ko nasaktan kita kaya sorry nagawa ko iyon pero please huwag mo kalimutan na kahit anong mangyari ay hindi ka namin iiwan at palagi kaming nandito para sa’yo”
“Ren is right, Allen. Handa kaming makipaglaban sa’yo dahil alam namin na inosente ka. Wala kang ginawang kasalanan” dagdag din ni Thia sabay nagbigay ng matamis na ngiti.
He couldn’t help but to sigh heavily after hearing them apologizing.
“I don’t know if I could ever forgive you. May sinira kayong buhay noon at parang masama na din akong tao dahil kaibigan ko kayo ngunit hindi ko alam ang nangyayari” tugon ni Allen kaya’t agad nawala ang ngiti sa labi ni Thia tapos tumingin sa dalawang kaibigan na napatingin din sa kanya.
There was a long silence between them.
Umiwas ng tingin sa kanila si Allen. Mukha naman naguusap sila Jin, Thia at Ren gamit ang kanilang mga mata upang magsalita ulit. Hindi sila sanay sa ganitong sitwasyon. Sila ay nasanay na nagpapagaan sa atmosphere ay si Allen ngunit ngayon baliktad dahil halatang wala ng gana ito. Sa huli ay tumikhim na lamang si Jin upang kunin ang atensyon ni Allen.
“Allen we can get you out of here immediately” Jin remarked that made Allen look at him directly and he smiled. “I know how powerful we can be right?”
“So, now you are using your connections?” he said then whistled. “Woah, should I be honoured?”
“Allen, listen to us. Magagawa namin ng paraan ang paglaya mo dito sa madaling panahon. Ang hinihingi lang namin ay mapatawad kami sa ginawa namin pero huwag mo rin kalimutan iyon” Thia commented while trying to sound convincing at Allen who just listen to them.
BINABASA MO ANG
Blues of Portraitist
Misterio / Suspensomystery series #2 complete | unedited The brightest and happiest person are what everyone could describe about Allen Marquez. A social butterfly that can make anyone be friends with. He indeed could shine like a star to everywhere he went along with...