CHAPTER 08: DESPERATION RESURFACES

12 3 0
                                    

CHAPTER 08: DESPERATION RESURFACES

“I will refer you to a psychiatrist” sabi ni Dr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I will refer you to a psychiatrist” sabi ni Dr. Morrales matapos binaba ang telepono. “Mamayang 2PM ang pasok ng psychiatrist. Balik ka nalang dito mamaya para siya na ang magproperly diagnose sa'yo”

Malalang breakdown ang nangyari kanina. Halos hindi na din kasi ako tumigil sa pagiyak ng maalala na naman iyon. Sa totoo lang, kinalimutan ko na ang nangyari dahil matagal na nangyari at alam ko sa aking sarili na mahirap kontrolin ang emosyon ko kapag naalala ang aksidente.

Huminga ako ng malalim ng maalala na matapos mangyari iyon ay nagkaganito din ako. Pumunta sa psychologist tapos sa psychiatrist 'tsaka palaging umiiyak kapag nagkekwento ako sa kanila. Napagdesisyonan nila Mama at Papa na lumipat na kami ng bahay para lumayo na mula doon kasi nagkaroon na din ako ng trauma sa mga sasakyan. 

It was tiring for me as a child.

Maybe because of that incident it had an even more painful when Reisa dies in front of me with the almost same scenario where its night and raining. 

Kanina pa natapos ang talking therapy session namin. Nakaupo ako ngayon sa tabi ng lobby habang hinihintay si Mama na matapos ang kausap nito. Hinawakan ko ang dalawa ko na kamay na sobrang malamig pala at nanginginig. Pikit ko ang aking mga mata habng kinakalma ang aking sarili at ulit na humugot ng malalim na hininga. 

“Kumain muna tayo Allen” pagyaya ni Mama. 

“P-Po?” 

“Alam ko nagugutom ka na” sabi niya tapos naunang naglakad kaya sumunod nalang din ako sa kanya. “Saan mo gustong kumain?” 

“P-Pero...”

“Huwag mo na pansinin ang mga tao, Allen. Ang mga taong iyon ay walang ambag sa buhay mo.  Nakakasama lamang sila sa iyo at hindi rin sila importante” mariin na sabi ni Mama sa akin bago lumingon at ngumiti. “Doon nalang kayo kumain sa paborito mo na shop?”

Wala akong masabi kundi tumango lumang ako tapos ay bumaba na kami. Sandali kaming sumakay sa elevator tapos ay mabilis kaming dumiretso sa labas ng ospital ngunit hindi pa kami nakakalayo ay pareho kaming natigilan ni Mama ng makita ang papasok ang ina ni Reisa.

She really looks like Reisa but the only difference is older, her hair is longer and has a lot of jewelries then the way she wears. Nakasuot kasi ito ng beige blouse, white squarepants at black stilettos. Nakasabit pa sa braso ang mamahalin nitong bag.

Nagtama ang aming mga mata kung saan nanlisik ang mata nito na makatingin sa akin. Parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko sa isang tingin na binibigay niya. Gusto ko magsalita pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko at parang may pumipigil din sa akin. 

“Wow, parang bumalik ka lang sa dati na mukhang walang nangyari” komento niya at tumigil sa harapan ko tapos tinapunan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Walang hiya ka talaga noh? Nagawa mo pa magpakita sa publiko matapos ang ginawa mo sa anak ko?” 

Blues of PortraitistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon