CHAPTER 03: SEARCH THE ANSWER
THIRD PERSON'S POV
Binuksan ni Hezekiah ang pintuan ng kanilang bahay. Sandali siyang napatigil sa pagpasok ng marinig ang ingay na nagmumula sa kanilang dining area. He glanced over his wristwatch that exactly says its already eight thirthy in the evening.
“May bisita pala” sabi niya sa sarili.
Ulit niyang narinig na nagtawanan ang mga tao bago maingat niyang sinirado ang pintuan para hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Dumiretso na lang siya sa paglakad patungo sa itaas na palapag. Mabilis na pumasok sa sariling kwarto na agad ini-lock ang pintuan.
Hezekiah quickly took off his jacket then placed it in the sofa bed. Umupo muna siya doon tapos kinuha ang kanyang cellphone na naka-do not disturb mode. Sandali niyang ini-disable ang function na iyon dahilan maraming iba’t ibang notifications ang lumabas pero ang agad na nakakuha ng pansin niya ay isang message.
His eyes squinted when reading the message.
Attorney Laurel : Nakalabas na po kanina si Mr. Marquez. Tuloy na ini-dismiss ng prosecutors ang kanyang kaso.
Mabilis niyang tinawagan ang nasabing attorney. Naghintay pa siya ng ilang sandali dahil matagal itong sumagot. Hindi niya mapigilan na mapamura bago sumagot ito. Tumayo siya mula sa pagkaupo at napahawak sa sariling bewang.
“What do you mean they dismiss it?”
“Hindi umano sapat ang ebidensya ‘lalo na injured si Marquez na halatang hindi niya magawa magisa dahil nabali pa ang buto niya. Ang nakita din na fingerprints ay nagmula sa left hand niya kahit right handed naman siya. Wala rin saksi sa pangyayari para patunayan siya ang salarin” paliwanag ng attorney dahilan mas nainis doon si Hezekiah at binato ang jacket sa sahig. “If you really believe he is the culprit then find more evidence against him”
Napahilot sa sariling batok si Hezekiah sa inis sabay umigting ang panga nito sa sobrang inis na nararamdaman.
“Akala ko ba magagawan mo ito ng paraan? Siya ang mamatay tao dito. Bakit nakalaya siya? Gaanon lang ba kadali?” sunod-sunod na tanong hanggang tumaas ang tono ng kanyang pananalita.
“They actually filed a motion for reconsideration to dismiss the case. Nanalo sila doon dahil wala pa tayo masyadong sapat na ebidensya” the attorney explained calmly.
“You let them get away with it? Do you know how much we paid you for? Ayosin mo ang trabaho mo–”
“Don’t worry Mr. Jaurigue. Gagawan ko ito ng paraan” he immediately cutted him off where it made Hezekiah took a sharp breath.
“You better be. Sayang ang pera namin na binayad sa’yo na wala man lang silbi” mariin niyang saad at tahimik lamang ang attorney sa kabilang linya. “Tandaan mo na ang buhay ng pinakamamahal ko na babae ang nawala at hindi ko mapapatawad kung sino ang gumawa nito!”
BINABASA MO ANG
Blues of Portraitist
Mystery / Thrillermystery series #2 complete | unedited The brightest and happiest person are what everyone could describe about Allen Marquez. A social butterfly that can make anyone be friends with. He indeed could shine like a star to everywhere he went along with...