CHAPTER 11: PEEK-A-BOO

7 2 0
                                    

CHAPTER 11: PEEK-A-BOO

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko ng magising ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang pinukpok ng martilyo ang ulo ko ng magising ako. Ramdam ko din na mabigat ang mga mata ko ng dahan-dahan ko lang minulat ito. Sobrang tahimik ng paligid ko na halos walang ingay mula sa labas ang maririnig ko. 

Bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng disinfectant. Napansin ko rin na nakahiga ako sa maliit na malambot kama at tinakpan ako ng puting kumot.

Nilibot ko ang tingin sa paligid na makita ang puting kurtina na nakapaligid sa akin. Mukhang nasa infirmary ako ng campus namin. Mukhang si Joshua na ang dinala sa akin dito noong nawalan ako ng malay kahit hindi ko maintindihan kung bakit nangyari iyon kanina. 

Sandali muna akong humiga at huminga ng malalim habang nilalasap na nakahiga ako ngayon. It feels so comfortable lying down here dahil nakabukas rin ang air conditioner.

After a few minutes, bumangon na ako sa kama ko na mukhang masakit pa rin ang ulo ko ngunit na lalaban ko naman ito. 

But something feels different.

I could vividly remember some parts of what happened from the night of the incident. 

Huminga ako ng malalim tapos tiningnan ang braso at paa ko. May mga maliit na peklat mula sa sugat na natamo ko ng araw na iyon. Gusto ko sanang maalala kung anong sumunod nangyari noong una akong nawalan ng malay pero walang pumapasok sa isipan ko. 

Paano ba ako nagkaroon ng sugat na iyon?

Sino din ang taong dumukot at pumatay ni Reisa? Ano ba ang gusto niya mula sa amin tapos siya lang din ang pinatay? Nandoon ako kung saan pwede ko siya makita sa ginawa niya ngunit hindi niya ako pinatay.

Ano ba ang plano ng tao?

Hinawakan ko ang aking leeg ng maalala na tumama ang parang tranquilizer ng gabi na iyon. Parang may kakaiba sa leeg ko pero habang hinawakan ko ang parte na iyon ay may nakuha ako. Kumunot ang noo ko ng maliit na karayom sa damit ko. 

“Paano ito nakalagay dito?” tanong ko.

Biglang may humawi sa kurtina. Hindi ako nagulat ng makita ang aming babaeng school nurse na nakatayo. But it seems weird she’s here during the Saturday. “Kamusta ang pakiramdam mo Allen? Lumabas muna ang mga kaibigan mo para bilhan ka ng pagkain” 

“Masakit lang konti ang ulo ko, Nurse Therese” saad ko.

“Uminom ka ng gamot mamaya matapos kumain mo at magpahinga muna ka diyan. Baka pagod lang ‘yan na nawalan ka ng malay kanina” saad niya.

“Baka nga po…” sabi ko at ulit na tumingin doon sa maliit na karayom na nilagay ko muna sa loob ng bulsa ko. 

Gusto ko sana sabihin sa kanya na may kaunti na akong naalala pero mukhang hindi ko siya na sabihan tungkol sa kondisyon ko. I forgot to tell her that suffer a mild amnesia. Ang mga guro lang pala ang aking nasabihan. 

Blues of PortraitistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon