mystery series #2
complete | unedited
The brightest and happiest person are what everyone could describe about Allen Marquez. A social butterfly that can make anyone be friends with. He indeed could shine like a star to everywhere he went along with...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THIRD PERSON'S POV
May inaayos na gamit nasi Detective Riveros upang umuwi ng bigla siyang may naramdaman. Hindi niya maintindihan na parang kakaiba sa dibdib niya tapos ay napatingin sa paligid. Pagkatapos ay tumingin sa oras na malapit na alas nuebe ng gabi.
"I have a bad feeling" komento ni Detective Riveros.
Kinuha niya ang jacket ma agad na sinuot at sinabit ang sling bag nito bago lumabas sa station. Mabilis siyang tumungo sa kotseng nakaparada 'tsaka sa isang iglap binuhay ang makina at nagsimulang magmaneho patungo sa hindi masyadong pamilyar na kalsada.
Napansin niya wala na masyadong sasakyan sa kalsada kaya't mas binilisan niya ang pagmamaneho. Unti-unting naging mas mahigpit ang hawak sa manibela. May masama siyang pakiramdam kaya't sinunod niya ito hanggang mas naging malayo na siya sa sentro ng siyudad. Wala na rin siyang nakikitang mga tao o bahay man lang sa paligid.
He gulped. "I hope I'm wrong about this"
Ilang sandali sa kanyang pagmamaneho ay may nakita siyang kotseng nakatigil sa gilid ng kalsada kaya't naging mabagal ang pagdaan dito. Akala niya na wala lamang iyon ng makitang may talsik ng dugo ang harapan ng kotse kaya tumigil siya dito at tumingin sa labas.
"What the..."
Nanlaki ang mata niya sa kanyang nakita. Sinapo niya ang kanyang bibig at buong katawan ang nanginginig. Tumingin muna siya sa paligid bago bumaba sa sasakyan at kinuha ang cellphone sa bulsa.
Nakamulat ang mata ng matandang nakahiga sa kalsada. May malaking sugat na ito sa leeg at tagiliran nito kaya walang tigil ang paglabas ng maraming dugo na kumalat na sa paligid. Lumapit siya sa katawan sabay hinawakan ang pulso nito.
"He's still warm" he commented.
Nilapit niya sa tenga ang hawak na cellphone tapos ulit na tumingin sa paligid at binalik ang mata doon sa matanda. "Hello? Detective Riveros ito, nandito ako ngayon sa Peralez Street at nakita ko ang bangkay ni Francisco Delos Santo. Tama ang narinig mo. Pumunta na kayo agad dito at tumawag na din ng ambulansya. Bilisan ninyo ang pagpunta"
Binaba niya ang cellphone bago lumingon pero kumunot siya ng makitang walang tao ngunit naramdaman niyang may nakatingin.
"I'm not really fan of horror" he said to himself.
May kadiliman ang kapatagan kaya ang ginawang ilaw niya ang sa poste.
Ginamit niya ang flashlight ng cellphone na tinapat doon sa mga palayan. He motioned from left to right to see everything around but he couldn't see anything suspicious. Pumunta ang mata niya sa kalsada ng mapansin na may marka ng mga tires na dumaan. Ulit niyang tiningnan ang katawan ng matanda.
"I'm sorry sir, I couldn't protect you" Detective Riveros did the signed of the cross and lowered down his head. "May you rest in peace. I will bring you justice just like you wanted"