CHAPTER 14: SHADES OF BLUE

6 3 0
                                    

CHAPTER 14: SHADES OF BLUE

CHAPTER 14: SHADES OF BLUE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON’S POV

“So, Reisa is really a kind girl,” Airene said. 

Nasa harapan siya sa libingan ng pinsan na may mapait na ngiti sa labi at nakaupo sa grass. Inaayos pa niya ng kaunti ang binili na maliit na bouquet ng tulips. 

Nakatingin naman sa kanya sila Kean at Jaxen sa likuran niya na nakikinig sa kwento tungkol sa kanyang pinsan kanina pa. Sinabi nito kung anong klase itong tao at paano ito noong buhay pa. Ilang oras na sila na nandoon na nakatayo sa likuran ni Airene. Pagkatapos ay tumayo siya na humarap sa kanila.

“Thank you for listening” she said and wiped off some tears in her cheeks while forcing herself to smile. “Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makausap kayo kasi pinapunta pa ako sa ibang bansa ng mga magulang ko. Sorry it took such a long time but thank you for being here” 

Umiling si Kean. “Wala iyon kasi naintindihan namin na nagluluksa ka pa rin para sa pinsan mo. We know how much you cared for her” she replied and smiled then glanced over to Jaxen who simply nodded. 

Matapos na magkita silang dalawa ni Allen ay pinuntahan nila si Airene na bagong dating na mula sa ibang bansa. Ilang beses kasi nila itong kinausap through social media accounts pero gusto ni Airene na personal sila mag-usap. Gusto din nila Kean at Jaxen itong kausap kung may alam pa ba ito na hindi niya nasabi noon sa pulisya tungkol sa nangyari ng pinsan. Sa pagkakaalam nila ay late itong dumating sa event ng mga Jaurigue. 

“What I said to the police is what I already know bago ako umalis dito sa atin. Hindi ko maintindihan kung bakit si Allen ang naging suspek sa pangyayari” paliwanag ni Airene sa kanila kung saan pasimpleng tumingin si Jaxen sa magiging reaksyon ng kaibigan na nagtaka na wala itong kahit ano man na pinapakitang ekspresyon sa mukha. 

“Sigurado ka ba Airene?” tanong ni Jaxen sa kanya. He doesn’t care if he sounds so desperate. “You didn’t forget something? Are you sure? Think for a moment about it” 

Marahan siyang umiling at ulit na nagpaliwanag sa kanila. Sinulyapan ni Kean sa tabi si Jaxen. “Magkasabay na umalis sila Allen at Reisa habang ako ay nandoon muna kasi gusto ko pa kausapin ang iba pa ko na kaibigan. Sometimes I want to catch up with them because we are busy with our own lives. May tiwala ako ni Allen na mauuwi niya ng maayos ang pinsan ko ng mga oras na iyon kasi palagi niya na ginagawa noon. Hindi ko lang inaasahan na mangyayari na pala iyon”

“Hindi ba umalis si Hezie sa venue?” Kean asked where Airene shaked off her head again. “Kahit isang beses na lumabas?” 

“Mabilis na mapansin si Hezie sa suot nito na white tuxedo. Palagi ko siyang napapansin sa paligid din kasi nakikipagusap sa halos lahat ng tao. Magkasabay pa kami ng pamilya niya na umalis” kwento pa niya dahilan na magkatinginan sila Kean at Jaxen na agad mag-isip kung ano pa ba ang posibleng mangyari. 

Blues of PortraitistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon