CHAPTER 05: BEGINNING FOR THE UNFORSEEN

10 3 0
                                    

T/W : The following chapter contains sensitive content such as violence, abuse and gore. Reader's dicretion is advised ahead.

CHAPTER 05: BEGINNING FOR THE UNFORSEEN

CHAPTER 05: BEGINNING FOR THE UNFORSEEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON'S POV

May nilagay na makapal na folders sa harapan ni Kean ang detective tapos ay umupo na ito at sandaling uminom ng bagong bili na kape sa labas. Hindi na nagulat si Kean ng makita ang gaanong dami ng files. Nasa loob sila ngayon ng isa sa mga bakanteng silid ng station upang walang makarinig sa kanilang usapan.

“I’ve already checked it yesterday. From the fingerprints down to the DNA of him, it was all evenly matched in his records” Detective Riveros explained to him then Kean raised his gaze from the folders to him. “Lahat din tayo na nandoon ay nakitang tumalon siya. Agad din nasira ang ulo niya ng tumama sa pavement, maraming nabaling buto at nawalan ng dugo. Masasabi ko na impossibleng buhay na ang tao” 

Kean sighed heavily. “You’re right detective. Impossible na mabubuhay si Mort mula doon”

“See? Its somehow impossible to think that he’s alive. Tumawag pa tayo ng ambulansya ng mangyari iyon para mabilis na suriin siya” dagdag pa ni Detective Riveros at tumango si Kean ng maalala ito. “Ikaw pa ang tumawag doon diba? Sumama ka pa at nalaman mo na…”

“He already lost his vital signs” tinapos ni Kean ang sasabihin ng detective.

“Right, he was dead before we went to hospital. Ang sinabi din ng doctor na sumama noon ay wala talagang mabubuhay matapos gumawa ng gaanon” Detective Riveros remarked that made Kean leaned back to his chair.

“But something feels off about it” Kean commented while holding his chin. “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ginawa na tumalon sa terrace” 

“May point ka diyan. Binaril ko siya sa kamay para mabitawan ang patalim niya na siguradong papatay ni Florent. Nagulat talaga ako doon na bigla lamang siyang tumalon para magpakamatay. Parang may mali doon ngunit hindi ko alam kung ano” komento pa ng detective at tumango doon si Kean.

“Kailangan ba talaga gawin iyon?” hindi niya mapigilan na magtanong dahil naguguluhan siya.

Detective Riveros shrugged his shoulders. “I don’t know, he could just kill us at that moment but he didn’t do it” 

“Right, isa iyan sa hindi ko maintindihan. Bakit hindi siya lumaban kahit sa’yo man lang at tumalon doon sa terrace? Alam natin na malakas siya dahil maraming beses na siya nakapatay ng tao kahit mas malaki sa kanya ay nagawa niyang patayin. Pero bakit ganoon ang nangyari?” naguguluhan na sabi ni Kean.

Kumunot din ang noo ni Detective Riveros ng maisip iyon. Naalala niya kung paano nangyari ang tagpo na iyon. Masama na talaga ang kutob doon at totoo ang iniisip niya. Ang tanging hindi nagtutugma ay pagtalon nito sa terrace sa condo ni Florent.

Blues of PortraitistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon