ANDRÉA ROCEL
Today is my rest day.
Sunday ngayon, kaya tamang higa nalang ako. Balak ko sanang magsimba pero gusto ko may kasama ako. Yung dalawa di naman pala simba ang mga yun, tatamad.
Bumangon nako sa pagkakahiga at naligo na. Mamaya na ako kakain pagkatapos ng misa. Nakakasanayan ko na rin magsimba. Pero di ako sanay mag isa, yung dati ko kasing kapitbahay pala simba si Jared. Lumipat na kasi siya ng apartment, malayo daw kasi yung pinagtatrabuhan niya dito.
Minsan minsan nalang kami nagtetext busy siya sa trabaho and also sa bebe niya.
Naol may bebe
Pagkatapos kong magready lumabas na ko ng apartment.
😁
Pagkatapos ng misa ay bumili ako ng suman. Lagi akong bumibili ng suman pagkatapos ng misa. Ang sarap kasi lalo na pag nilagyan mo ng konting asukal.
Kanina pa ako palibot libot wala akong nakitang nagtitinda, yung iba ubos na. Sakit na ng paa ko.
Dati sinubukan kong gumawa ng suman. Di maganda kinalabasan, sunog tas maling bigas nilagay ko.
Lord naman, lagi naman akong nagsisimba, nagdadasal bakit walang suman? Kanina pa ako naglalakad. Lord bigyan mo ako ng sign kung bibili pa ba ako. Kung walang sign edi uuwi nalang.
...
Nasa likod lang pala ng church yung nagtitinda ng mga suman. Isang balot nalang yung suman.
"Ate kunin ko na po t-"
"How much is this?" Turo niya sa bibilhin ko. Napaka bastos kita niyang may bumibili.
"Ate kunin ko na a." Sabi ko kay ate na nagtitinda. Tumingin sakin ang matangkad na babae na akala mo Titan.
"No, I will buy it." Tigas ng bungo neto a.
"Nauna ako." Sinamaan ko siya ng tingin.
"So, what if you were first?" Mataray niyang sabi. Aba
Lakas ng tama neto a.
Nakasingot ba to.
"FYI sayo Damulag ako nauna." Napakunot siya sa sinabi. Totoo naman a.
Damulag siya tas naka shades pa. Kala mo naman sikat.
"What!?"
"Ate eto po bayad." Inunahan ko siya. Baka agawin pa yung suman ko e.
Umalis na ko dun. Habang siya nakanganga. Napangisi nalang ako.
Deserved.
Hays. Saya saya ko.
My ghaddd cassy.
Buti nalang mabilis ako, kundi baka naagawan pa ako.
Uuwi na muna ako tas kakainin ko na tong suman ko. In fairness ah. Mahaba yung suman nila at mataba.
....
Pagkauwi ko syempre kinain ko na agad yung suman. Wala pa akong almusal nooo.
First bite. Uhmmmm. Sarap.
Oh?
Tingin tingin no dyan?
Gusto mo?
Luh! asa ka!🙄
Umalis ka nga!
Ugh! Kairira
Papasok ba si ma'am?
May P.E ba ngayon?