Luella's POV
Mahal niya si Dante.
Ito ang salitang paulit-ulit na nagpapakita sa aking isipan. My twin sister, Luna, was inlove with him. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila o papaanong nagkagusto si Luna kay Dante. Nabasa ko lang sa kaniyang diary na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para sa minamahal.
Paano si Louis? Bakit nasangkot noon ang kaniyang boyfriend? Anong papel ng lalaking iyon sa buhay ni Dante at Luna? Iyon ang nais kong malaman. At isang lugar lamang ang makakasagot sa akin. Iyon ay ang NC na nabanggit din ni Luna sa kaniyang diary. Noong una hindi ako naniwala, akala ko normal lamang na club iyon. Dinadagsa ng mga mayayaman, sikat dahil sa high standard nitong mga drinks at kung papaano pamamalakarin ng isang sikat na businessman ang kaniyang negosyo.
Subalit, may nakakatakot pa lang sikreto ang club at iyon ang nais kong alamin. Hindi lamang pagkawala ng aking magulang at kapatid, kundi alamin ang sikreto sa likod ng kasikatan ng NC.
Higit sampung taon na, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ako. Hindi naman ako masiyahing tao, sa katunayan ay tahimik at seryoso ako kaysa kay Luna na laging nakalunok ng microphone. Masiyahin siyang tao, kabaliktaran sa akin. I'm not.
Since hiram lang naman ang lahat. I need to act na parang si Luna. Sa sampung taon na iyon marami akong natutunan at naranasan sa poder ng mga Salvatore. Nagkaroon ako ng magandang buhay, naging mas aktibo pa at naranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan noon no'ng ako'y bata pa.
Ganito pala kasaya ang buhay, ano? Hindi lamang problema ang lahat.
Tiningala ko ang aking kisame. Walang ibang nakadikit doon maliban sa isang ilaw na nagbibigay liwanag sa buong silid.
"She's in love with him." Laging nakatatak sa aking isipan ang salitang ito. Ayokong lamunin ako ng aking damdamin. Hindi ako puwedeng magkagusto kay Dante.
Ngunit...isang kahibangan iyon. Nagkagusto ako kay Dante. Nasanay ako sa ugali ni Luna na laging umaaligid sa taong nagugustuhan. Hindi lang 'yon, nasanay din ako sa paraan ng kaniyang pananalita. Lahat nakuha ko na. Sa ugali, sa damit, sa ayos at sa pananalita.
Tama ba 'tong ginagawa ko? Pati ba naman sa labas, hawak pa rin ni Luna ang lahat?
Winaksi ko ang imahen na iyon. Hindi, Luella. Hawak mo ang buhay mo ngayon. You're free, this is your own life. You own everything here. Except for him.
KINAUMAGAHAN maaga akong umalis ng mansyon. Tulog pa ang mga kasambahay pati na si Dante no'ng lumabas ako.
Pumara ako ng tricycle malapit sa kanto namin at tinungo ang pakay ko. Napagpasyan ko na pumunta ngayon ng NC since walang pasok. Walang lingon-lingong akong umalis, sigurado na sa desisyon.
"Ang aga mo naman yatang mag-club, iha," natatawang sabi ng tricycle driver.
Tumikhim ako. "Hindi po ako magka-club, manong. May kakausapin lang po ako," sagot ko habang mahigpit ang kapit sa upuang bakal.
"Sigurado ka bang bukas na sila ngayon?"
"Hindi po natutulog ang NC." Kahit hindi ako sigurado.
Hindi pa ako nakapunta ng NC. Naririnig ko lamang ito at halos magagandang komento ang kumakalat patungkol sa club nila. Paminsan naku-kuryos ako ngunit pinili kong manahimik at padaanin na lang ang mga kumakalat na chismis. Ngayon na may kinalaman pala ang NC kay Luna, hindi ako mananahimik. I need to know everything.
"Anong kailangan mo?" isang matangkad na lalaki ang humarang sa akin.
Unti-unting umangat ang aking ulo. Sinalubong ang mariin na titig ng lalaki. Naka-itim na shades ito, hapit na hapit sa kaniyang katawan ang suot na damit kayat kitang-kita ang mga umuumbok na bahagi ng kaniyang katawan.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis(Under Revision)
RomanceIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kambal sa mga Salvatore...