Kabanata 40

109 4 0
                                    

KABANATA 40



ISANG BUONG araw ako na nagkulong sa bahay. Walang kinakausap na kahit si Maya ay pumasok ng school na walang naririnig na salita galing sakin. Nakaupo ako sa kama ko at naka harap sa salamin.

Kitang-kita ang pamumula at kaunting paglaki nito.

"Nakaya mo nga dati, Sky. Ngayon pa ba?" Tanong ko sa sarili ko.

"Tumayo ka...wag kang mahina. Nalabas mo na lahat ng iyak mo kagabi. Tama na, huh? Tama na. Ikaw lang mahihirapan." Unti-unti naman pumapatak ang mga butil sa pisngi ko.

Pagkatapos kong kausapin ang sarili ko na parang baliw ay tumayo ako sa pagkakaupo. Pumasok ng banyo at naligo. Pagkalabas ko ay bumaba na ako. Hapon na kaya nagsaing na ako ng kanin at nagluto na din ng ulam ni Maya.

Kailangan kong maging malakas. Dumaan na ang ilang araw wala na ding paramadam si Shane sakin. Na tanggap ko na rin. Mas tinuon ko ang sarili ko sa Farm at sa bagong business.

Ngayon nasa kabilang bayan ako dahil kakatapos lang kahapon ng paggawa ng flower shop. Ang kauna-unahang flower shop namin. Masaya ako sa kinalabasan kaya ngayon andito ako kasama si Kaye. Inaayos ang mga bulaklak. Iba't ibang klase ng bulaklak.

"Ang bongga mo na. May Farm at Resort kana tapos ngayon ito na. Flower Shop naman." Masayang saad ni Kaye.

"I'm so happy for you, ma bestfriend." Nasa call si Tat.

"Thank you. Maraming tulong ang ibigay niyo sakin. Nandyan kayo lagi." Niyakap ko si Kaye.

"Sus, tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan." Sabi ni Kaye.

"Ako din." Nag virtual hug kami.

May isang asungkot din na naki sali.

"Hoy, isali niyo ako. Bestfriend din ako." May pagtatampo sa boses ni Dos. Nang lumapit ito agad niyang tinanggap ang pagbatok ko sa kanya.

"Ikaw," tinuro niya ako. "nakakailang batok kana sakin ngayong araw." Reklamo nito.

"Hali kana nga." Hinila ko siya at nagyakapan na kami. Pakatapos ng malalim na pag-uusap ay nagpaalam na din si Tat.

Tinanghali na kaming natapos sa pag aayos ng mga ibebentang mga bulaklak.

"Open po kayo?" Tanong ng isang babae. Ito na siguro ang kauna-unahang magiging customer ng shop.

"Opo. May gusto po kayo?"

"Mag papareserve sana ako. This Saturday na kasi kailangan."

"Sure po." Dali-dali akong kumuha ng isang papel at sinulat ang gusto ng customer. Pinakita nito sakin ang gusto niyang mangyari sa bulaklak niya. A round kind of flower. Na may white rose with orange calendula. Isa ito wedding bouquet.

"Pwede bang ipadeliver ang bulaklak sa venue?" Tanong ng customer.

"Saan po ba ang wedding venue?"

Inabot nito sakin at nagpasalamat na lang ako. Hindi na ako nag abalang tingan kasi sa subrang excited ko nag hanap ako ng magandang bulaklak para sa gagawing bouquet.

May alam din ako sa pag arrange ng mga bulaklak kaya hindi ako nag alalin langan na magpatayo din ng flower shop. Naisipan kong magtayo sa kabilang bayan dahil kaunti lang ang mga flower shop kaya pwedeng-pwede ito.

Dahil sa kulang ng white roses ay kailangan kung umuwi. Sinabihan din ako ni Kaye na wag muna gawin ang order dahil nga sa pagod na rin daw ako.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon