Kabanata 36

75 4 0
                                    

KABANATA 36

NAGISING AKO sa katok galing sa labas ng kwarto ko.

"Ate. Alis na ako."

Tumayo ako agad at pumuntang banyo. Lagi at nag toothbrush. Pagkalabas ko ng banyo ay nag suot lang ako ng isang floral dress at bumaba.

"Gising kana pala." Bungad agad sakin ni Kaye.

Pumunta akong kusina para uminom ng tubig.

"Pinaliguan ko na sila." Pagtutukoy niya sa mga aso.

"Salamat."

Pagkatapos kung uminom ay nagpakulo ako ng mainit na tubig para mag kape.

Nasa sala ako nag kakape habang si Kaye naman kumakain ng mani.

Kinalabit ako ni Kaye, "Ano na?"

"Anong ano na?"

"Kalat na sa buong bayan ang nangyari kagabi. So, pumayak ka na naligawan ka ni Shane?"

"Hindi ko alam."

"Anong di mo alam?"

"Kaye," humarap ako sa kanya. "nalala mo yung araw na pumunta tayo ng farm."

Tumatango lang ito.

"Nung iniwan mo ako. May tao sa kusina. May dalawang tao dun at—"

"Dalawang tao. Wait. Dahil ba dun, kaya ka umalis ng farm?"

Tumango ako.

"Nako naman. Itong si Shane talaga. Pakalat-kalat." Napakamot si Kaye ng batok niya.

"Anong si Shane ang pakalat-kalat?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kanya mo itanong."

At bakit ko naman itatanong sa kanya yun?

"Kaye. Yung pangalan ng Farm."

"Anong meron sa pangalan?" Patuloy parin ito sa pagkain.

"1 month ago, diba yung pangalan Perez, bat ngayon Heaven na? Hindi naman sa bakit pinalitan, alam ko naman na may bagong may-ari ng farm. Pero yung Heaven ba na pangalan, yun ang pangalan ng bagong may-ari?"

"Ubusin mo na yang kape mo at sa may-ari ka mag tanong. Sakin ka tanong ng tanong, wala naman akong kinalaman."

"Nag tatanong lang ako."

"Basta. Bilisan mo at pupunta tayo ng farm."

"Agad-agad?" Seryoso kung tanong.

"Oo. Kaya bilisan mo."

Kanina pa kami naglalakad ni Kaye dahil na ubusan ng gasolina ang sinasakyan namin. Kaya ito kami ngayon naglalakad sa kawalan. Pinalilibutan ng mga tubo, puno ng mga saging.

"Masakit na paa ko." Reklamo ni Kaye.

"Pareho lang tayo. Nauuhaw na din ako."

Pakiramdam ko nauubos na ang tubig sa katawan ko subrang init pa naman. Wala kaming pasyong o kahit man lang sumbrero.

"Malapit na tayo." Saad ni Kaye.

Natatanaw ko na nga ang hindi kalayuang tarpulin ng farm.

Sa wakas.

May malaking tarpulin ito sa gilid ng kalsada kaya malalaman mo na agad kung saan kana. Pagkadating namin ay may sumalubong samin na isang lalaki.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon