KABANATA 35
"LAURENCE. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Laurence na kakalabas lang ng sasakyan niya.
Nasa labas ako ng bahay dahil nag lakad-lakad ako kasama ang dalawang anak ni Guren at Datina na sila Cloud at Choco.
"Gusto sana kitang ayain kumain sa labas."
"At bakit naman?"
"May bagong bukas na kainan diyan sa bayan. Tara na. Don't worry, libre kita."
"Sige ba." Hindi na ako humindi dahil hindi pa naman ako kumakain ng tanghalian. "Pasok ka muna. Maliligo lang ako." Inaya ko siyang pumasok muna ng bahay.
Pinaupo ko ito at hinayaan ang ibang aso sa loob ng bahay.
Umakyat ako at pumasok ng kwarto para makaligo na din. Pagkababa ko ay nakitang kong nakikipaglaro si Laurence sa mga aso. Hinahagis niya ang isang laruang bola nila at hinahagis sa labas at kinukuha naman nila ito.
"Tara na." Aya ko kay Laurence.
Lumabas na kami ng bahay at nasalubong namin si Kaye na kakadating lang din. Nag message ako sa kanya na kung pwede bantayan niya muna ang mga aso.
"Ikaw muna. Libre daw ako nito ni Laurence diyan sa bagong bukas na kainan sa bayan."
"Sige. Enjoy." Nag paalam na ako at pumasok na siya ng bahay.
Pinagbuksan ako ni Laurence ng pinto ng sasakyan.
Ngumiti ako, "Salamat."
At nang makapasok ako ay umikot na din siya sa driver seat. Nang makasakay siya ay binuhay na niya ang makina. Dahil hindi naman kalayuan ang kakainan namin ay nakarating na agad kami.
Isa palang Inasalan ito.
Si Laurence na ang pina order ko dahil siya din naman magbabayad.
Pumili na kami ng mauupuan ay sakto ding dumating ang inorder niya. Dalawang Inasal na paa ng manok at marami pa.
"Ang dami naman." Reklamo ko.
"I know na kaya mo yang ubusin." Sabay tap nito ng buhok ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. Agad kung kinuha ang kamay niya at mababaw na ngumiti.
"Nabusog ako. Salamat."
"Next time ulit."
"May susunod pa?"
"Yeah. Ayaw mo ba? Libre ko ulit." Ngiti niya.
Tumango lang ako sabay ngiti.
Nang tumayo kami ay biglang tumunog ang phone ni Laurence. Sinagot niya ito pag katapos niya ay bumalik ito sa kinatatayuan ko.
"I have to leave you. May pupuntahan ako. I'm sorry, Sky."
"It's okay, Laurence."
Inabutan niya ako ng pera pero hindi ko ito tinanggap. Nang makasakay ito sa sasakyan ay nag antay ako ng masasakyan.
"How's the food?"
Bumalik ako sa likod ko. Pasulpot-sulpot ito.
Ginawa gawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kakain."
"Okay."
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girl (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...