Kabanata 37

73 4 0
                                    

KABANATA 37


NANGYARI NA ang hindi dapat mangyari. May nangyari samin ni Shane. Nandito kami sa kubo na kung saan nakahiga at natutulog siya. Mahigpit ang yakap sa bewang ko na parang tatakas ako. Habang siya ay mahimbing na natutulog ako naman ay dilat na dilat.


Nasa tamang edad na naman ako. Pero hindi ko man lang napigilan ang nararamdaman ko.


Nasuko na nag bataan na hindi pa nakakasal.


Malaking problema. Kung nandito si Amang at pag nalaman niya.


"Sky. Hindi man lang nag pigil sa dala ng init ng katawan." Inis na saad ko sa sarili ko.


Napahinto ako ng gumalaw si Shane.


Mabilis ang tibok ng puso ko.


"Baby." Siniksik nito ang dulo niya sa likod ko, "Is everything okay?"


"Ah, oo." Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko.


"Hey," umalis siya sa pagkakasiksik sa likod ko at pinaharap ako sa kanya."If you are thinking na hindi kita pananagutan. I was your first so technically I will be your last." Sabay siil nito ng halik sa labi ko.


"Walang ligawan na palang magaganap nito." Mahinang tawa niya.


Tinitigan ko siya ng masama.


"I'm just joking. I will still court you, kahit kasal na tayo."


Pakakasalan niya ako?


Hindi na din kami nag tagal sa kubo. Pinakuha ko sa kanya ang basang damit ko na ngayon ay may kaunting basa. Nagbihis na ako at sabay na kaming lumabas ng kubo. Bago kami tuluyang nakaalis may nakita akong number sa taas ng pinto ng kubo. Number five, tinginan ko ang ibang kubo at meron din.


Hindi ko alam kung kami ba ang nauna or may iba pang guest na ganun. Siguro wala naman kasi nga may mga nag oovernight dito. Naputol ang sinasabi ko sa isip ko ng mag salita si Shane.


"Let's go." Sabay lahad ng kamay niya.


"Tara."


Umalis kaming may ngiti sa mga labi namin.


Pagkatapos ng araw na 'yon mas madalas na si Shane sa bahay. Minsan sinusundo niya ako para pumunta sa farm. At sa tuwing pupunta ako ay hindi ko na nakikita si Charlotte sa farm. Ang sabi ni Shane kailangan niyang umuwi ng maynila dahil nga may trabaho pa ito. Nabalik na din ang pangalan ng Farm. Hindi na ito Perez Flower Farm, kundi Perez Flower and Resort Farm.


Dahil nga sa init ng panahon ay maraming pumupuntang taga Ibang bayan para maligo sa batis.


Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon