KABANATA 24
"NABUSOG KAMI. Salamat." Pasasalamat ni Tat kay Shane dahil nilibre niya kami ng street foods. Masaya itong naglalakad papasok ng bahay namin sa bayan dahil may take out pa ito.
Hapon na din kaya hindi na kami umuwi ng farm. Dito na lang kami sa bayan matutulog. Free pa naman din ako hanggang sa susunod na araw kaya pwede ko pang maigala ang dalawa. Si Dollar dun na lang daw siya muna sa farm. Sa tingin ko hindi naman siya mabobored dun dahil isasama siya ni Kaede kung san ito pupunta. Sa tingin ko pupuntahan nila ang isa sa mga falls sa bayan ng calinog.
"Dito kana kaya mag dinner." Pag-aaya ko kay Shane.
"You will cook?"
"I will cook." Saad ko.
"Sure. Let's go."Sabay lakad niya papasok ng bahay.
Pumasok na kami ng bahay at nagsimula na akong magluto ng pagkain namin.
"Baby. Kaye is here." Rinig ko na sabi ni Shane galing sa sala.
"She's with who?"
"No one. She by her self."
"Okay. Wait, I'm cooking." Nagluto ako ng adobong manok at pritong bangus. Nakapag saing na din ako sa rice cooker. After 10 minutes pinuntahan ako ni Shane sa kusina.
"Umuwi na si Kaye. Inuwi niya din ang dalawang aso." Tinutukoy ni Shane ay si Guren at Datina.
"Okay lang. Sasama na lang namin sila bukas at iiwan na lang namin kay Doc."
"Hmmm. You smell good." Mahina niyang tawa.
"Tumigil ka nga."
"Relax. Baby."
"Tulungan mo na lang ako para makakain at makauwi kana. Kulit eh."
"Copy that, Boss."
Kumuha si Shane ng mga kubyertos at maiinom na tubig. Nilagay ko na din ang niluto kung ulam at ang kanin.
"I will just call Tat and Money."
"By the way, baby. Do you have lemon and ketchup?"
Lemon and Ketchup? Anong gagawin niya?
"Bakit? Saan mo gagamitin?" Tanong ko sa kanya. Kung ano-ano pumapasok sa utang nito.
"To dep in the milky fish."
"Sawsawan, lemon at ketchup? San mo naman nalaman na pwedeng isama ang lemon at ketchup para gawing sawsawan? Kung ano-ano talaga pumapasok sa utak mo. Pasalamat ka mahal kita." Napakamot naman ako ng ulo ko. Shane Martin Almojuela.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girl (Calinog Series #1)
RomansaA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...