KABANATA 39
BIYERNES NA at nandito ako ngayon sa bahay ni Doctora. Nasa sala kami habang tinutulungan ako ni Doc. sa susuotin ko. Ako lang mag-isa dahil nga ay busy din naman si Kaye sa bagong business nila.
Isa-isang nilapag ni Doc. ang mga dress sa mahabang sofa.
Isang kulay, pink, sky blue, black, at white na dress. Simple lang ito kung tignan pero subrang halata na mamahalin.
"Pili ka muna diyan. Kukunin ko yung mga heels sa taas. Maganda kasi na naka heels para ganyang dress."
Umakyat si Doc. Habang ako naman ay pinipili kung anong kulay. Iniisa ko ang mga dress. Maganda silang lahat pero kita ang likod ng dalawa. Kinuha ko ang kulay white na dress. Hindi siya maikli at saktong sakto lang ang haba nito. Parang spaghetti style siya pero maganda.
"Maganda 'yan, Sky. Try mo," Saad ni Doc. Napapalapit sakin. "Ipares mo dito." inabot niya sakin ang black and silver na heels niya.
Pumasok ako ng banyo dala-dala ang mga ito. Sinukat ko ito at lumabas.
Napatakip si Doc. Pakalabas ko ng banyo.
"You're so gorgeous, Sky." Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay. Itinapat ako ni Doctora sa nakatayong salamin sa sala niya.
I look myself at the mirror. I am gorgoues indeed with this dress. Kahit simpleng tingnan subrang ganda.
"Wait..." may kinuhang silver bracelet and silver earring sa isang box. "here. Bagay na bagay ito sa dress na ito.
Sinuot nito sakin at napahawak na lang siya sa bibig niya pagkaharap nito sakin.
"Look at you..." lumayo kaunti si Doctora. "so pure and gorgeous as hell."
I smiled, "Doctora."
"What? I'm telling the truth, Sky... "
"Thank you so much, Doctora."
"Anything... Like what I have said... I'm your big sister." She hugged me.
"Thank you."
"No, Sky...Thank you."
Pagkatapos ko kila Doc. ay umalis ako na may dala-dalang paper bag kung saan nasa loob nito ang hinirap kung dress, heels, and with accessories.
Saktong hindi kalayuan ang bahay ni Doc. sa plaza kaya nilakad ko na lang ito. Hapon na din naman kaya maraming taong naglalaro sa plaza. Umupo lang ako sa may bench habang nakatingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girl (Calinog Series #1)
Storie d'amoreA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...