Kabanata 13

156 3 0
                                    

KABANATA 13


"AMANGG..." Excited na tawag ko nang makita kung bumababa si Amang sa tricycle.


"Ate, Sky..." Rinig ko namang sigaw na nanggaling sa paparating na tricyle. 


"Maya. Tisoy." Tawag ko. Subrang saya ko dahil sa ngayong taon nito lang pumunta ng bayan ang Amang kasama ang dalawa kung kapatid. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay Amang ng makalapit siya sakin, ganun din si Maya at Tisoy.


"Namiss ka nitong dalawa," Turo ni Amang sa dalawa kung kapatid na nakangiti. "Maya, Tisoy. Sige na pasok niyo na yung dala nating bulaklak. Sumunod naman sila sa utos ni Amang.


"Nakakatampo ka naman, Amang. Hindi ba naman ako namiss." Sabay pamiwang ko na parang nagtatampo. 


Tumawa lang ito at niyakap ako, "Wag kang mag alala anak. Araw-araw kang namimiss ni Amang. Ikaw kaya ang Maganda kung anak." 


"Pa'no naman ako, Amang?" Nakapamiwang din na sabi ng kapatid kung si Maya sa may labas ng pinto. Tumakbo ito at yumakap na din. Maya-maya ay sumunod naman si Tisoy. Mahal na mahal ko ang pamilya ko at ayokong mawala sila sakin. Kung maari ko lamang hilingin sa itaas na bigyan ng mahabang buhay ang Pamilya ko. 


Nagpahinga muna sila dahil may kahabaan ang byahe dahil marami daw mga turista ang pumupunta sa flower farm at sa ibang flower farm sa bayaan ng calinog. Habang nagpapahinga sila at kumakain ng ice cream ay nag-aya si Tisoy na pumuntang plaza para manuood ng liga. Dahil malapit na nga ang araw nang, Flower Festival.


"Ate, nood tayo ng liga sa baya. Ang alam ko kasi Tatlong barangay ang maglalaro." Pag aaya nito sakin.


"Pero walang kasama ang Amang." Sabay tingin ko kay Amang na natutulog na. 


"Sige na, Ate." Paki-usap nito sakin. 


"Ikaw na lang. Pero umuwi ka pagkatapos ng laro."


"Opo. Salamat—Ate." Tawag niya sakin.


"Bakit? Pwede ka ng umalis. Umuwi ka lang ng maaga." Pero hindi parin ito tumatayo sa kinauupuan niya, "Bakit?" 


"Pamasahe." Nahihiyang sabi nito.


"Pamasahe? Diba nag paalam kang mag nunood ka at pinayagan na kita. Pero maglalakad ka."


"Ate, sige na. Mainit eh." Reklamo nito, "Please." Paglalambing nito sakin.


"Oh, s'ya. Ayan." Abot ko sa kanya ng isang daan, "Mag-iingat ka, Tisoy. Malalagot ako kay Amang pag may nangyari sayo." Paalala ko sa kanya. 


Tumango lang ito at nagpaalam na naaalis siya. Nang maka-alis si Tisoy, inutusan ko si Maya na mukuha ng kumot para kumutan si Amang na mahimbing na natutulog.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon