KABANATA 38
NANDITO KAMI ngayon sa bahay nila Dos. Kasama ko si Kaye na kanina pag naghihintay sa lalaking yun. Kanina pa pabalik-balik ang kasambahay nila Dos dahil tinatanong kung may kailangan pa daw kami. Dahil sa naiinis at naiinip na din ako sa kakahintay ay umakyat na ako sa second floor para punta na si Dos.
I been here. Mga pitong beses na akong nakapunta sa bahay nila. Walang pinagbago nung huling pumunta ako dito.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Dos. Hindi ka din naman mahihirap dahil sa anim na pinto sa second floor ay nag-iisang ibang kulay ang pinto nito. Lahat ng pinto ay kulay puti at ang kanya ay kulay itim.
"Dos. Bilisan mo. Kanina pa kami ni Kaye sa labas," naiinis na katok ko, "Dos." Ulit kong tawag sa kanya.
"Ito na." May naririnig na akong kalabog sa loob, "Sandali."
Natatatranta na siguro 'to.
"Tagal. Umalis na si Kaye. Nainip. Tagal-tagal kasi."
"Nag papogi lang. Alam mo na." Sabay kindat niya sakin.
Binatukan ko naman siya, "Pakita mo yan kay Shane."
Tumawa ito, "Mag kaibigan na kami nun. Pinagkamalan nga kami na kami daw, eh. Lagi ba naman kaming magkasama." Saad nito. Tawang-tawa ang baliw.
"Bumaba na nga tayo."
Nauna ako at sumunod naman si Dos sakin. Pagkababa namin ay agad lumapit si Dos kay Kaye at inagbayan.
"Let's go, babe."
"Ikaw lang naman ang late." Sabat ko.
Hindi na nagsalita si Dos dahil alam niyang papalpalin ko lang ang mga sasabihin niya.
Bibili si Kaye ng dress kaya sasamahan ko pero nang malaman ni Dos ay nagpumilit na sumama yan tuloy ako yung lumabas na third wheel sa kanila.
Pagdating namin sa bihilan ng dress ay naghiwalay ako sa dalawa. Dahil nga nakaramdam ako ng uhaw ay naghanap ako ng maiinom. Pinag-iisipan ko ang bibilhin ko hanggang sa may nakita akong nagbebenta ng Buko Juice. Nakakamiss.
Lumapit ako para makabili.
"15 pesos nga nitong buko juice."
Inabaot naman sakin ng Ali. Nag bayad na din ako at nag lakad-lakad, mamaya na ako babalik dun sa dalawa. Martes ngayon kaya maraming tao. Sa ukay-ukay na din sila Kaye bibili. Nasa kabilang dulo sila Kaye at Dos ng mga nagbebenta. Ako sa kabilang dulo din.
"Skyler?"
"Ma'am Nelma?"
BINABASA MO ANG
Probinsyana Girl (Calinog Series #1)
RomanceA young woman who lives in the province. Her Father owns a flower farm in their area. Dahil sa probinsya siya nakatira ay nasanay na si Airian sa mga gawaing pang bukid. Hindi maarteng bata at may galang sa matatanda. Hanggang sa isang araw may nab...