Prolouge

29 1 0
                                    


Nagiging miserable na naman ang buhay ko.

Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Pinakinggan ko nalang ang paborito kong kanta, para naman kahit papaano ay kumalma ako.

'halika rito, sumugal ka ng sampung minuto'

tanginang yan, sampung minuto lang pala ang kailangan kapag susugal ka? akala ko kasi hanggang sa maubos at mapagod ako.

Andito ako ngayon sa rooftop ng condo ko, nag papahangin at nag papakalma, ngunit kahit anong gawin ko ay hindi matigil ang pag tulo ng luha ko.

"Bakit mo ba kasi ako iniwan? Bakit kasi napagod ka saakin?" bulong ko sa sarili ko habang na hagulgol. Naalala ko na may beer nga pala ako sa condo ko kaya bumaba ako saglit upang kumuha. Nag dala lang ako ng 2 beer, hindi ako masiyadong mag-iinom dahil may pasok ako kinabukasan.

Habang paakyat ako ay iniinom ko na yung isang beer, nakapamulsa pa ako sa bulsa ng hoodie ko. Nakaayat na 'ko at sa hindi inaasahan ay may nakita akong babae, mukhang nag papahangin din siya, hindi ko inaasahan dahil anong oras na at hindi ko naman siya nakikita rito dahil madalas akong nandito kapag ganitong oras na. Naka hoodie rin sya, naka pants na black at naka cap pa na puti, pamilyar ang suotan nya saakin... naalala ko ang babaeng iniiyakan ko ngayon. Hindi ko na lamang s'ya pinansin at umupo ako sa dulo ng railing nung roof top at nag isip-isip. 

Hanggang ngayon ay kinekwestiyon ko pa rin ang sarili ko kung mayroon bang mali saakin at nagawa niya akong iwan, ginawa ko lahat ng makakaya ko para sakaniya, ngunit hindi iyon sapat para sakaniya. 

Tahimik akong naiyak, kagat ko ang labi ko ngunit halata naman na naiyak ako dahil sa mga hikbi kong hindi mapigilan. Nakayuko ako habang naiyak, naubos ko na pala yung dalawang beer na dala ko kaya tinatamaan na rin ng alak ang sistema ko.


Habang tahimik akong naiyak ay nakaramdam ako ng presensya ng isang tao, hindi ko alam kung bakit hindi ko ito nilingon, umiyak lang ako nang umiyak, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, hindi ko alam kung bakit komportable ako sa presensya nya, ewan ko kung bakit ako kumalma, alam ko sa sarili ko na ako at ang babaeng iniiyakan ko lang ngayon ang nakakapag pakalma saakin.


unless...

Bago ko pa ma proseso ay niyakap ako nung taong nakatabi saakin, at naamoy ko ang pabango nya, kaya pala ako komportable sakaniya, kaya pala pamilyar ang suotan niya saakin.


"Jeanna.." banggit nito, napa pikit na lamang ako at pinipigilang umiyak lalo.


Ang yumakap saakin ay walang iba kung hindi ang babaeng iniiyakan ko. Ang babaeng nakakapag pakalma saakin, at ang babaeng sumira ng puso ko.



Si seiki. Ang unang babaeng minahal ko. At ang unang babaeng sumira ng puso ko.

First of EverythingWhere stories live. Discover now