CAPITULO TRECE

10 2 0
                                    


UNTOLD



Acheron got discharged from the hospital yesterday and now, he's back to work leaving me here in his mansion alone with his kalbong mga associates. He doubled the security leaving me with almost a hundred associates, iba pa yung mga bagong gwardya sa labas ng mansion niya. He also gave me the permission to enter any room I would love to enter, huwag lamang ang study room niya. 

Malaya akong nagkakape sa balconahe. Balconahe as in yung terrace na hindi nasa 2nd floor o 3rd floor kun'di nasa 1st floor. Ang dami ko ngang natatanaw na kalbo. Sayang lamang at walang ma-pendongan kasi kalbo silang lahat. 

Maganda din naman palang maging mag-isa. Noon kasi eh wala na akong oras para sa sarili ko't puro trabaho nalang ang ginagawa ko. I've never been into a vacation kasi kahit isalang ako sa madugong misyon ay mas pinipili ko lang na magtrabaho pa't huwag na magpahinga. Mamamatay din naman tayo eh, why not agahan 'di ba? 

I have no one to talk to at this moment. Hindi ako pinapayagan makipagusap sa iba at tanging kay Seidon, Zeus, at sa kaniya lamang ako maaari makipagusap. Wala naman silang dalawa dito kasi kasama naman ni Acheron palagi. 

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pagupo sa tabi ko. Hinarap ko ito at pamilyar na mukha ng matandang katulong ang bumungad sa akin.

"Melinda?" I smiled while looking at her.

"Mind if I sit here?"

"Go ahead." I said as I look at her.

She reminded me of my Lola in the Philippines. But wala na kaming interactions simula nung mag-limang taon ako't nagpakupkop kay Sir Harith. Pinipigilan ko na din ang sarili na makipaginteract sa kanila kasi isa na akong mapanganib na tao mula nung mapunta sa buhay ko sa kumpanya. Maraming mga matang nakatingin at hindi na payapa ang buhay.

"I told you that you just needed to find his soft spot." she said as she looks away with a smile in her face.

"I still can't figure it out, Melinda. I still have no idea." sabi ko sa kaniya at tumingin sa malayo.

"But he's already showing it to you." bigla kong naramdaman ang paghawak ng kamay niya sa balikat ko dahilan ng paglingon ko sa kaniya.

"The care and love his Mother never showed him, and the trust his Father couldn't gave him." she smiled. "I never saw him smiled for a very long time."

I stopped for a moment looking at her eyes... her teary eyes? Gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya habang nananatili ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. 

"They neglected him?"

"Yes, Arpina. Hindi sila ang nagpalaki sa kaniya."

"M-marunong ka magtagalog?"

"I'm half pilipino, iha."

Ano ba naman ito si Inay, marunong naman pala magtagalog eh pinahirapan pa ako mag-German nung nakaraan. 


"Ano po ba kayo ni Acheron?"


"Ako ang nagpalaki sa kaniya mula nung walong taong gulang pa lamang siya. Bago naging sin-tigas ng bato ang puso niya't naging sin-lamig ng yelo ang dugo niya sa mga tao. He changed when he finally noticed that his parents never gave the love, care, and trust towards him at kay Leviathan lamang itinutuon ang pansin noon." iniiwas niya ang tingin sa akin na animo'y nag-iisip.

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon