CAPITULO VIENTE

13 0 0
                                    


HISWAY


Wala akong malapitan na kung sino. Gustuhin ko 'man na lumabas sa kwartong ito ay hindi ko magawa, bagkus ay nakatingin lang ako sa kisame na animo'y naghihintay ng butiki. I feel so empty and lost. I tried my best to gather strength to get up but I can't. Patuloy lang ako hinihigit ng higaan pabalik at muling iiyak nalang. 


"Fuck this life." I murmured as I continue to watch the celing.


Apat na araw na mula nung mangyari ang trahedyang iyon and apat na araw na din mula nung huli ako kumain ng maayos kasi tanging pakutib-kutib lang ang aking nagagawa. My doorbell rang as I didn't bother to move.


Aalis din naman iyan, bakit kailangan ko pa tumayo? I sighed as those thoughts penetrate my brain.


Akala ko eh titigil na yung doorbell hanggang sa magsalita ito. 


"Arpina!..." his thunderous voice filled the whole place even though I'm in the 2nd floor of our house... my house mga pala.


My heart skipped a beat as if I drank too much caffeine when I heard his voice. Paano niya nalaman na taga dito ako't bakit siya nandito? Para ba ipaalala na naman niya ang lahat? Hindi pa ba sapat na maibigay ko sa kaniya si ate? Bakit kailangan pa niya ako bulabugin?


Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas tumayo. Hindi ko na inayos ang buhok ko't wala naman akong pakialam sa kung anong magiging gusto niyang gawin. Hindi ba't parang mas maganda nga kung pangit akong haharap sa kaniya? Para ma-turn off siya't umalis. 


Bumaba ako mula sa aking kwarto patungo sa front door ng bahay namin... bahay ko at binuksan ang pintuan.


"W-what do you want?" I tried to be cool as possible but he caught me off guard. 


Tangina! Bakit ang pogi niya? Especially when he's wearing his... casual clothes na animo'y pupunta lang sa tabi-tabi. I haven't seen him in this type of clothes kasi usually pang-work ang suot niya't pantulog.


Tiningnan ko ang nasa gilid niya't si Seidon at Zeus ito. Binaling kong muli ang tingin ko sa kaniya nang tanggalin niya ang kaniyang shades.


"What?" tinaasan ko ito ng kilay ngunit nanatili lamang ang tingin nito sa akin.


"I thought filipinos are welcoming and hospitable in their guest even though they're uninvited?" ngumisi naman ito na animo'y proud sa kaniyang sinabi.


Namintig ang tenga ko sa sinabi niya't may halong inis na tinitigan siya.


"Malas mo! Tatlo lahi ko, hindi mo 'ko mapapaikot." umirap ako't akmang sasarahan ang pintuan nang agad niya itong nahawakan.


Hindi ko kayang labanan, dala na din siguro sa hindi pagkain ng tama at pagtulog ng maganda. Ngayon ko na lamang napagtanto na ang laki na din pala ng pinagbago ng katawan ko. Ngayon ko nalang din nakita na sobrang namayat ako na animo'y patpatin na ewan. 

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon