CAPITULO CUARENTA

10 1 0
                                    



"Take care, My gems..." kumaway-kaway ito bago kami pumasok ni Malacoda sa sasakyan.


Hindi ko pa din maiwasan ang hindi isipin ang nangyari kagabi... at ang mga sumunod na sinabi pa sa akin ng nanay nila.


May nabanggit siya na nagpla-plano daw ang Urbano na i-raid ang isang facility sa New York... isang hidden facility kung saan doon tinutuloy ang paggagawa nung illegal na gamot na matagal nang ini-discontinued ng Gradano. 


Hindi ko alam kung bakit niya sa akin pinaalam iyon, hindi niya din sinabi sa akin nung tinanong ko kung bakit niya sinasabi pero ang tanging sinasabi niya lang ay ang mga katagang...


Malalaman mo din pero hindi pa ngayon.


Like, what? Dumagdag pa sa isipin ko iyong mga bagay na iyon.


"Arpina, anong sinabi sa iyo ni Mommy at parang magkaclose na kaagad kayo?" natingin ako sa tanong ni Malacoda.


"She told me everything, Malacoda... last night." isang walang ganang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.


Hindi niya ginusto na itapon si Acheron sa Pilipinas, ginawa niya iyon para makapag-enjoy ng kahit kaunti si Acheron doon bilang isang malayang bata. Pero imbes na magsaya si Acheron, imbes na maglaro kasama ng mga bata, imbes na maging malaya... ay nabaon ito sa mga salitang hindi siya minahal ng magulang niya. Kaya pala sa tuwing isisigaw ni Malacoda na hindi hindi siya pinalaki ng nanay nila na ganoon eh parang mas lalong nagagalit si Acheron kasi hindi naman talaga ang nanay nila ang nagpalaki kay Acheron.


"What do you mean?" hinarap ko ito't nakitang nakakunot ang noo niya.



FLASHBACK


Hindi nagtagal ay napatahan ko na naman ang mommy nila. Sabi ko sa kaniya ay tita nalang kamo ang itatawag ko sa kaniya kasi mas komportable ako doon, at malugod niya naman itong tinanggap.


"I'm so sorry at sa iyo ko pa talaga iyon nailabas..." she softly smiled but I just smiled back.


"No, Tita... it's okay... naiintindihan kita." 


Umayos ito ng upo at humawak muli sa kamay ko.


"I'm here because i want you to know that the Urbano knows what's happening... mino-monitor naman ng Tatay niya ang lahat at may capo na pinadala sa Mansion ni Acheron para magmatyag sa kilos ng dalawa." tumango-tango nalang ako.


Hindi lang pala ako ang nakakapansin ng lahat. 'Tila ba'y nabunutan ako ng tinik sa kaniyang mga sinalaysay. 


Gumaan ang dibdib ko nang malaman ko iyon.


Marahil ay naghihintay lang sila ng pothole para gumalaw.


Hanggang sa tumama sa akin ang lahat. Naalala ko yung sinabi ni Uncle na magkakaroon ng madugong labanan sa Urbano pero hindi nila alam kung anong grupo iyon. Nasabi sa akin na kaya daw hindi malaman ay animo'y anonymous daw ang nakalagay.

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon