CAPITULO CUARENTA Y DOS

7 0 0
                                    










"We found it! We found the red blinking lights, Auntie Kwel!"


My heart skipped a beat when I heard that line coming from the triplets. I forgot how to speak for a moment. I forgot everything when they found the thing that never meant to be here in the first place. They found a device that... that can kill us any moment now.


I faked a smile and act like I'm proud. I'm still trying not to get freaked out, para hindi na sila muling umiyak. Nanginginig 'man dahil hindi ko alam kung ilang oras na 'yan nandiyan, o ilang oras na lang ang natitira.


"G-great job, Boys!" hinawakan ko ang kamay ng dalawa. "Now, why don't we f-follow mommy? Let's go outside?" I smiled, still trying not to scare the three.


Putangina! Malas talaga 'tong buhay ko. Palagi nalang may kasamaang nangyayari bawat araw, bawat linggo, bawat buwan! Tunay ngang kinasusuklaman ako ng Diyos.


"But we're tired. Auntie Kwel." ngumuso sila nang sabihin iyon ng isa sa kanila.


"I-i know, but we need to see mom, right?" pinipilit ko silang makunsinting lumabas ng lugar na iyon.


I can carry them, but for the sake of the child inside me right now? I'll convince them na kailangan namin lumabas in a nice way.


"Let's just follow her, Walter." sabi naman nung isa habang ako naman ay nakangiting tumatango-tango sa kaniya.


"O-okay—oh look! It's Shaydon! Hello, Uncle Shaydon!" napatayo ako't tumingin sa likuran ko.



Hindi ko napansin na may pumasok na pala sa loob ng kwartong 'to, hindi ko alam na nandito na pala si Seidon... pero bakit parang hindi ko na siya nakikilala?


"S-seidon?" humakbang ako papalapit ngunit nakatingin lang siya sa akin na may halong panlilisik ang mga mata na animo'y togreng gutom na gutom.


Biglang sumama ang kutob ko kasabay ng pagbigat ng paligid. Hindi ito si Seidon, si Seidon 'man ang anyo nito pero hindi ito si Seidon.


May kinuha ito sa likuran niya dahilan para humakbang ako papalayo patungo sa tatlo.


"S-seidon..." pabulong pero pinipilit ko pa din ang magsalita.


Gusto ko umiyak. I feel so helpless! Ano ba 'tong gulong pinasok mo, Arpina?


Hindi ko gusto lumaban hindi dahil sa ayaw ko, kun'di dahil sa kagustuhan kong mabuhay ang anak ko.


"Uncle Shaydon?" papunta na sana ang isa sa triplets nang hawakan ko ito.


Hindi ko gustong mawalan ng anak... hindi ko gustong lumaban dahil sa anak ko!


Pinanood ko lang si Seidon na may kunin sa kaniyang likuran habang ako naman ay itinago ang tatlo sa likuran ko, tinititigan ko pa din siya't hinihintay ang susunod na mangyayari. Bahala na... bahala na!


May nilabas itong... katana? Shit! Tumakbo ito patungo sa akin kasabay ng pag-atake pero kaagad akong umiwas.


"Run! Run!" sigaw ko sa tatlo at kaagad nila itong ginawa at nakita kong tumago sa ilalim ng lamesa sa 'di kalayuan.


Shit!


Hindi pa nakuntento si Seidon sa pag-atake't ini-swing sa tiyan ko ang katana pero kaagad ko itong naiwasan. Tanging pag-iwas lang ang nagagawa ko sa oras na ito, naghahanap pa ako ng maayos na tyansa upang maka-atake pero ngunit hindi ito napapagod. Putcha! Hinihingal na ako!


Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon