CAPITULO TREINTA Y OTSO

12 1 0
                                    



(HIS)TORY



Bumunot ako ng malalim na buntong hininga bago pumasok sa naglalakihang sulok ng bahay na ito. Kinakabahan, natatakot... ngayon ko lang ito naramdaman sa buong talambuhay ko. Gusto ko siya makiya, gusto ko siya mahawakan at makausap. Iyon nga lang siguro ang nagtutulak sa akin para ipagpatuloy ito. Sabik na sabik na akong malaman niya na buntis ako... sabik na sabik na ako na angkinin niya ako.


Nakaramdam ako ng paghawak sa kamay ko dahilan para tingnan ko ito. It's Carter... he smiled at me.


"Auntie Kwel, it's okay... I gwet that fweeling too, you know?" ngumiti ako sa sinabi niya.


Kung ang bata nga kaya ay kinakaya, ako pa kaya? Ako pa kaya...


Nanatiling nakahawak siya sa akin bago kami pumasok sa loob. Nauna si Malacoda habang ako naman ay taas noong sumunod lang sa kaniya at hindi pinapahalata ang pagaalinlangan. Iniiwasan kong ilibot ang tingin ko, natatakot ako na baka oras makakuha ako ng atensyon ay hindi na nila ito lilisanin pa sa akin.


Umalma ang pagkakaba ko nang si Malacoda na mismo ang naghawak ng kamay ko. Kung sino-sino 'man ang gini-greet niya ay hindi ko ito pinapansin hanggang makapunta kami sa nagtataasang hagdan.


"Hindi pa nagsisimula, maagap pa." bulong ni Malacoda at ang tanging naging sagot ko lang ay ang pagtango.


Mahabang hallway na may matataas na kisame ang sumalubong sa amin.


"I can't believe that you'll be one of us!" kinikilig itong naglakad kasama ang tatlo.


I don't know if magiging masaya ba ako o ano, kung tutuusin eh kaya ko naman itong buhayin mag-isa eh! Naunahan nga lang ako. Sana pala hindi na lang ako nagsabi kay White. 


Tinahak namin ang hallway na ito na madaming family portraits... mamaya ko na ito titingnan when I have the chance to look around. 


Kinuha ni Malacoda ang isang card sa kaniyang wallet at animo'y ini-tap ito sa isa sa mga pinto. Binilisan ko ang lakad ko patungo sa kaniya nang makita ang kaniyang ginagawa. 


"This is your room and your baby's room..." ngumirit ito't binuksan ang malaking pinto revealing a room that looks like...


A big room that's full of dim fluorescent lights. Full of neutral colors... most of it were beige and light brown and some are white. There's a massive bed in the middle of the room and a little pretty white crib on the left side of it. 


"W-what?" hindi makapaniwalang untag ko.


Pumasok pa akong muli at doon ko lang nakita ang mga naka-hilerang diapers at animo'y magkakaibang sizes ng diapers. May maliit na closet pero kita mo mismo na mamahalin ito sa brand pa lamang... hinawakan ko ito and I'm right, the wood itself is Oak. Binuksan ko ito at dito ko nakita ang iba't-ibang designs ng baby clothes; for boys, and for girls. The fuck?

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon