CAPITULO VEINTIOCHO

11 1 0
                                    


SPARK


Mixed emotions.


That's what i'm feeling after Seidon decided to spill the truth. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya? Na dapat ba akong malungkot? Mabahala? Matakot? Ano ba dapat? Kasi hindi ko alam kung anong gagawin o mararamdaman ko. Will this be the downfall of us?


"Huwag ka na magoverthink, hindi naman natin alam kung buhay pa ba talaga yung ate mo." nagulat ako nang nagsalita si Seidon sa likuran ko.


We're in England, dito sinabi ni Acheron na manuluyan daw kuno muna kami. The soft breeze touches my skin while swinging in this mini swing na nakakabit sa isang puno at nakaharap ako ngayon sa kabukiran. Hindi naman sa ayaw kong buhay si ate; ang iniisip ko lang ay kung sino ba yung pipiliin niya sa aming dalawa? Sino ba'ng mas ayaw niya masaktan sa aming dalawa?


Ang daming katanungan, Black! Ang daming katanungan pero wala namang sumasagot. 


"Magparaya..." tanging nasagot ko't tumingin kay Seidon ngayon na awa ang titig na inigagawad sa akin. "Magpaparaya nalang siguro ako, Seidon." dagdag ko pa't ngumiti ng mapait habang nakaharap na muli sa kabukiran.


Mula kagabi, wala na akong ibang ginawa kun'di ang magisip—magiyak. Nasasaktan ako na masaya, masaya akong nasasaktan. Napapansin ko lang na sa tuwing umaayos na ang buhay ko ay siya namang may hahadlang na naman. I wanna go back to the Philippines and talk to the girl na i-aadopt ko sana na I already dealt with his r*pist para umayos na ang lagay niya. 


"Oo, wala ka namang choice kung sakali ngang buhay pa siya... baliw na baliw si Boss doon eh." Nakinig ko ang bahagyang paglapit ni Seidon dahil sa mga natatapakan niyang patay na mga dahon.


Hindi na ako nagsalita. Alam ko namang wala akong laban kay ate eh. Alam ko namang hindi ko siya mapapantayan kasi siya ang nauna. Anong susunod kong plano kung sakaling ganoon? Tumakas na ba ako ngayon hangga't maagap pa? Umalis nalang kaya ako para hindi ako masaktan? 


Tiningnan ko si Seidon.


"Seidon." tawag ko dito dahilan ng pagtingin nito sa akin. Hindi siya nagsalita at siguro'y hinihintay ang kasunod na sasabihin ko. "I want to go home." nagpaawa ako sa kaniya.


I know Seidon, alam kong matigas siya sa lahat at sobrang loyal kay Acheron... pero kaya niya ba akong tiisin na makitang nahihirapan? Ako na tinuring siyang isang mung—este! Kapatid? 


"Bakit mo sinasabi sa 'kin iyan?" tanong nito habang nakakunot ang kaniyang mga noo. 


"Kasi pinapagkatiwalaan kita bilang isang kaibigan... ikaw lang ay may kakayahang tumulong sa akin." sabi ko't inalis ang titig sa kaniya't ibinalik sa kabukiran. 


I can ask for White's help again whenever I want to pero hindi ko gustong sirain ang kaniyang buhay lalo na't malapit na ang kasal nito... ayaw ko namang sirain iyon para sa kaniya. As much as possible, I need to persuade Seidon to help me to escape Acheron's territory. But will he be convinced sa gagawin kong pagpupumilit sa kaniya?

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon