CAPITULO TREINTA Y SEIS

10 1 0
                                    




PROCESS


"Ano ba naman ito si Black! Wala ngang rainbow na ice cream!" isang malakas na sigaw ang iginawad sa akin ni Sabio.


Kanina ko pa kasi siya pinipilit na hanapan ako ng ice cream na rainbow tapos gusto ko magkakaiba din ang lasa. Nagcre-crave pa naman ako sa ganoong klase ng ice cream. Umismid ako sa kaniya at umirap.


"Ayan ka na naman, bakit ba gustong-gusto mo ng ice cream?!" singhal nito pero galit at inis lang ang nararamdaman ko sa kaniya kaya hindi ko ito sinasagot.


Bahala siya! Pataasan pala ng pride ha? Gusto ko lang naman ng lintek na rainbow ice cream na magkakaiba ng lasa ang kulay. Mahirap ba 'yon? Kung wala siyang mabilhan edi sana ginagawa niya! 


"Black, sagutin mo nga 'ko." nakikinig ko ang pagkairita sa kaniyang boses pero hindi ko ito pinapansin.


"Anong nangyayari?" boses ni Kenzo ang nagsalita mula sa kung saan.


Nagpapahangin kasi kami ngayon dito sa terrace ng 2nd floor at dinadama ang malamig na hangin. Oo, malamig na malamig ang hangin dito sa parte ng Europe na ito. Malamig pero gusto ko pa din ng lintik na ice cream na iyon.


"She's being weird bro, she wants an ice cream but... color rainbow and dapat magkakaiba ng lasa per color. Saan naman ako hahanap nun?" ramdam ko ang pagka-frustrated niya sa pagkakasabi niyang iyon pero nanatili pa din akong matigas at animo'y walang kapaki-pakialam sa nangyayari.


"Edi gawan mo, mahirap ba 'yun?" napatingin ako kay Kenzo nang sabihin niya iyon.


Napangiti ako sa sinabi niya at tumango-tango.


"Tamo si Alpha, may utak, ikaw? WALA!" isinigaw ko iyon kay Sabio.


"Pero, Black... saan naman kami kukuha ng ingredients at maggagawa ng ice cream?" umirap si Sabio nang sabihin niya iyon.


Tangina! Pati ba naman iyon iniisip pa niya gayong napakaraming ways para manggawa? There's a kitchen, an oven, and pwede naman sila bumili ng ingredients. I sighed and looked at Kenzo.


"Tama si Sabio, wala naman kaming karapatan gumalaw ng kagamitin dito para makapaggawa ng rainbow ice cream... at bakit ba napaka-choosy mo ngayon? Daig mo pa ang naglilihi..." pataltak-taltak na untag nito sa akin.


Oo nga pala, hindi nga pala nila alam na naglilihi nga talaga ako. Napatampal ako sa noo ko nang sabihin niya iyon. Sabihin ko ba sa kaniya? Eh, hindi baga't itinatago-tago ko iyon at baka makarating kay Acheron? Oo, hindi pa alam ni Acheron ang lahat ng tungkol sa akin. Maybe, wala na din naman siyang pakialam na alamin 'yon.

Agent Black: Lovely Madness (The Agents: Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon