Chapter 6: His POV II

128 13 2
                                    


Titus' POV

"I'll be there at 9, make sure that Mr. Juarez is comfortable before our meeting starts." sabi ko sa secretary ko dahil nasa opisina na daw si Mr. Juarez, my new client. Sinabi din ng secretary ko ang schedule ko ngayong araw pero hindi sa kanya nakafocus ang atensyon ko kundi sa taong pababa ng hagdan at mukhang bagong gising pa lang. "'Yon lang ba ang schedule ko?" tanong ko dito kahit hindi ko naman talaga naintindihan. I'll just ask him later.

Agad ko itong sinundan papuntang kusina. I hear him talking to Nay Neli pero agad ding umupo.

Nakita ko kung paano ito matakam sa mga nakahanda sa mesa. Lahat ng pinaluto ko kay Nay Neli are his favorite. Ayoko namang hindi ito ganahan sa pagkain sa unang araw niya sa bahay ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ipinatong ko ang aking baba sa balikat niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"How's your sleep? Hmm?" ani ko dito habang nasa balikat pa rin niya ang baba ko. I like how he startled. I missed him a lot.

"Ahmm... Okay naman po. Medyo napagod po ako kagabi kaya hindi na po ako nakakain. Pasensya na po." sagot niya. I can't believe na after how many years ay magkikita pa rin kami nito at hindi talaga ako papayag na hindi kami muling magkita ng taong ito. I can't wait na hagkan siyang muli at ikulong sa bisig ko. Napangiti ako sa ideyang iyon.

Inalis ko na ang baba ko sa balikat niya at naupo sa upuan kaharap niya. Namumula siya nang tingnan ko ito. I smiled dahil ganun pa rin ang epekto ko sakanya. But I'm not contented.

"Good then. Next week na ang start mo pasok mo hindi ba? What's your plan sa linggong natitira? Hmm?" tanong ko sabay subo ng pancake na kinagatan niya na. I don't really like pancakes but this pancake tastes delicious.

"Mag-eenrol po ako and magpapasa ng mga requirements ko po. Maghahanap din po siguro ako ng part time job." sagot nito na nagpahinto ng pagnguya ko sa pancake na kinakain ko. He looks calm while saying those compare kanina.

"Why? Do you think hindi ko kayang ibigay sa'yo ang pangangailangan mo to the point na maghahanap ka pa ng trabaho?" mahinahong tanong ko. Mahinahon dahil ayaw kong matakot ito dahil hindi ko nagustohan ang sinagot niya. Bakit siya maghahanap ng trabaho? Sa tingin niya ba hindi ko kayang bigyan siya ng lahat ng kakailanganin niya? I am overthinking. Hindi ba nito alam how rich I am?

"Ahhh... Hindi naman po sa ganun. Nakakahiya din po kasi. Nakitira na ako sainyo tapos pati din po pagkain ko sasagotin niyo pa. Gusto ko din po kasing may sariling kita para na din sa mga projects ko." sagot nito pero it didn't calm me even a bit. I hate how he can easily affect my emotions kahit wala naman siyang ginagawang masama. Napakuyon ako dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip ko.

"No! I can give you everything that you need hindi mo na kailangan pang maghanap ng part time job. Nagkakaintindihan ba tayo, Eurice?" matigas kong saad dito. Natigilan naman ito sa sinabi ko. I know I shouldn't act like this dahil baka matakot siya. Pero I can't help it. Nandito siya para mag-aral hindi para magtrabaho.

Tango lamang ang naging sagot nito pero halatang hindi na siya komportable. I really hate myself. I should not act like this. I'm being my old self again.

Umalis agad ako sa mesa nang katahimikan na ang namutawi sa paligid. Ayaw kong may masabi pa akong muli sa kanya.  He's uncomfortable dahil sa mga sinabi ko. I just can't help myself. Ayaw kong hindi ako nasusunod and it bothers me dahil hindi ko dapat inaapply iyon kay Eurice. I know how he hated that attitude of mine nang mga bata pa kami.

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon