Chapter 2

153 13 4
                                    


Eurice's POV

Pagkarating ko sa bahay ni Sir Titus ay saktong dumating din siya. Naka corporate attire pa din siya kagaya nang kanina niyang suot.

Nasa sala ako at akmang pupunta na sa kwarto ko nang bigla niya akong tinawag.

"Bakit po Sir Titus?" sagot mo dito.

"What did you just call me?" tanong nito.

"Ahmm Sir Titus? Bakit po?" kinabahan kong sagot. Bakit ba palagi siyang ganito? Nakakaintimidate talaga ang aura niya na kapag kayong dalawa lang ang nasa iisang kwarto ay maiihi ka sa takot. Hindi ko nga alam paano ko nakakaya eh.

"Nevermind." sabi nito sabay hila sakin pataas.

"Sir Titus saan niyo po ako dadalhin?" kinakabahan kong tanong ko dito. He looks stressed.

"My room, obviously." sagot niya. Agad kaming nakapasok sa kwarta niya at namangha ako. Just like his room sa mansion nila sa Nueva Ecija, it's a mixture of blue and black. Napakalalakeng tingnan.

"Pero sir hindi po-" sabi ko pero pinigil niya ako.

"Shhh just let me sleep. I'm too tired gusto kong magpahinga." pinaupo ako nito sa kama niyang sobrang lambot. Nakita kong naghubad ito ng kanyang pantalon at pang itaas.

"Ahh sir ano pong ginagawa niyo?" tanong ko pero hindi ako nito pinansin hanggang boxer brief na lang ang natira sakanya. Hindi ko alam  ang magiging reaksyon ko kaya yumuko na lamang ako at ibinaba ko na lamang ang aking tingin.

"Bakit ka naka yuko? Come on sleep with me." saad niya. Ano? Sleep with him?

"Ahh sir aalis na po ako. May homework pa kasi akong tata-" aktong aalis na pero pinigil niya ako.

"Subokan mong umalis sa kwartong ito and I'll make sure na wala ka ng kwartong papasokin maliban sa kwartong ito." banta niya. "I'm just going to sleep at tatabihan mo lang ako. You can leave after kong makatulog." aniya sabay hila saakin. Hindi na ako naka reklamo nang inihiga niya ako sa kama niya at isinubsob ang aking ulo sa dibdib niya. Naka Uniform pa ako ngayon kaya medyo naconcious ako baka kasi mabaho na ako knowing na ilang oras ako sa labas. Naramdaman ko din kasing sininghot niya ang buhok ko habang nasa bisig niya ako.

Nayakayap siya saakin ngayon. Ramdam ko ang mahihinang hinga ni Sir Titus at mabilis na pagtibok ng dibdib nito. Mas doble ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niyang ito. Naalala ko noong bata pa ako na ganito din ginagawa niya pero hindi ko nilalagyan ng malisya dahil sabi saakin ni Mama na ganito lang daw si Sir Titus kasi matalik niya akong kaibigan nang minsan ko iyong maikwento kay Mama.

Kaibigan pa din ba ang turing saakin ni Sir Titus? Pero matagal na kasi kaming hindi nagkikita. Grade 10 siya nang umalis siya noon sa mansion nila nang may galit kaya hindi ko ineexpect na ganito pa din ang turing niya saakin. Doon pa lang ay hindi ko na ineexpect na magiging magkaibigan pa kami nito sa muli naming pagkikita. Naging mas mature na din itong tingnan kaya duda ako kung kaya pa nitong makipag kaibigan saakin.

Nalaman ko din na graduate na ito. Doon pa nga sana nila icecelebrate sa Mansion ang graduation ni Sir Titus pero hindi ko alam bakit hindi natuloy.

Ang kaninang mahihinang hinga niya ay mas naging mapayapa kasabay ng mahihinang hilik senyales na tulog na siya. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap niya saakin kasi hindi na din ako komportable dahil na din sa bukol na tumutusok sa tiyan ko. Medyo mahigpit ang pagkakayakap niya ngunit nagtagumpay naman akong tanggalin ito.

Nakatayo na ako ngayon sa gilid ng kama niya habang sekreto siyang pinagmamasdan. Halatang pagod nga siya dahil ang kaninang mahihinang hilik ay mas lumakas na. Hindi ko alam kung kumain na ito pero gigisingin ko na lamang ito kapag may pagkain na.

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon