Eurice's POV"Alam ko po, Mama. Tsaka sinabi na po sakin ni Madam Rebecca na sa bahay ako ni Sir Titus tutuloy kaya 'wag na po kayong magaalala. Hindi din po ako magiging sakit ng ulo ni Sir Titus." saad ko. Nagaalala kasi si Mama kasi malalayo na ako sa kanya. Magka-college na kasi ako and natanggap ako sa UP kaya kailangan kong lumuwas ng Manila.
"Hindi naman iyan ang inaalala ko. Wala na kasing magbabantay sa'yo doon ngayong malalayo ka na sakin." medyo naluluhang sabi ni mama. Napangiti naman ako doon. Mahal na mahal talaga ako ni Mama at ganun din ako sakanya.
"Mama naman 18 na po ako pero palagi niyo po akong binebaby. Tsaka hindi naman po ako magpapabaya doon. Kaya ko pong alagaan sarili ko. Tinuruan niyo po ako sa mga bagay na ganun kaya 'wag na po kayong mag aalala." pagpapatahan ko dito. Humihon naman ito at niyakap ako.
"Malaki na talaga ang baby ko. Sige na. Mag iingat ka doon ah?" tango lang ang naging sagot ko.
Dumating na ang Van na susundo saakin. Pinadala pa ito ni Sir Titus para maging sundo ko. After kong makarecieve ng confirmation from UP na tanggap ako sa kursong kinuha ko ay tumawag agad si sir Titus kay mama about sa pagpapatira nito saakin sakanyang bahay.
Naalala kong naging malapit kami ni sir Titus noong bata pa ako. Dito kasi sila nagbabakasyon at naalala kong dito din nag-aral si Sir Titus ng isang taon pero bumalik agad sa Manila dahil utos ng kanyang ama. Iyon ang alam ko.
Hindi pa rin burado sa isipan ko kung paano nagalit si sir Titus noong pag alis niya. Galit na galit siya sa nagsisisigaw ito sa pinto ng kwarto namin. Nakita ko din kung paano niya ako tutukan na parang kasalanan ko. Kaya medyo kinakabahan din ako sa pagpunta ko sa bahay niya dahil ganun ang naging huli naming pagkikita.
Nabalitaan ko ding ikakasal na ito. Sana naman hindi niya ako maltratohin kapag tumira na ako sa bahay niya. Kaya ko namang maging katulong doon dahil 'yon naman ang trabaho ko sa rest house nila pero kung pagbuhatan niya ako ng kamay kagaya ng mga napapanood ko sa TV ay hindi ako mangingiming umalis.
~*~
NAGISING ako dahil sa mumunting tapik sa pisngi ko. Nakatulog pala ako habang nasa biyahe. Ilang oras din kasi ang naging biyahe.
Iminulat ko ang aking mga mata at dalawang pares ng berdeng mga mata ang sumalubong saakin. Namangha ako dito dahil napakaganda nitong tingnan na tila hinihila nito ang buong kaluluwa ko.
"Are you done?" baritonong saad nito na nagpabalik sakin sa reyalidad. Si Sir Titus habang nakatingin saakin. Sobrang lapit nito na kunti na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin.
"Ahmm...kayo po pala sir Titus. Pasensya na po kayo. Bababa na po ako." kinakabahan kong saad dito. Umatras naman ito at hinayaan akong bumaba ng Van. Nakita ko ang mga katulong na dala ang mga gamit ko. Nahiya ako bigla kasi ako dapat ang gumagawa nun kasi hindi naman ako amo dito.
Aktong kukunin ko na ang iba ko pang gamit na natira ngunit pinigilan ako ni Sir Titus.
"Let them carry your stuffs. Pagod ka galing biyahe and it's their job." anito. Kinakabahan ako the way na magsalita si Sir Titus ang lalim kasi na parang isang higante kung magsalita. I mean malaking tao naman talaga siya.
Hinayaan ko na lang na dalhin nila ang mga gamit ko at baka magalit pa ito kung magpumilit ako. Gusto ko din naman kasi masakit din ang katawan ko siguro dahil sa biyahe.
BINABASA MO ANG
Enraptured
Romance"You're mine and mine alone. I will not let anyone take you away from me. I will bury them alive if they attempt to. Keep that in mind, Little Kitten."