Chapter 4

162 11 2
                                    

Eurice's POV

It's been 2 days since nangyare iyon. The night na hinalikan niya ako. I know I sound OA kasi ginawa na din namin 'yon nang bata pa kami. Pero this time it's completely different. Adult na kami. Maaring dati ay hindi pa ako naasiwa or naiilang man lang dahil ang alam ko ay normal lang iyon pero ngayon iba na. Iba na ang epekto nito saakin. Sumabay pa ang malakas na kabog ng puso ko kapag lumalapit siya.

I've been avoiding him since that night. Hindi ako lumalabas ng kwarto kung hindi kailangan, kompara noong una na nanonood pa ako sa sala. Sumasabay pa din naman ako sakanya kumain kasi kahit anong pilit kong hindi sumabay ay pinapatawag pa din niya ako.

"How was school?" tanong nito saakin habang sabay kaming kumakain. Ayaw ko sana itong sagotin or lingonin man lamang pero alam kong magagalit ito. Kaya no choice.

"A... Okay lang naman po." sagot ko dito at agad na iniwas ang tingin. Itinuon ko ang aking tingin sa plato ko. Ramdam ko ang titig nito saakin. Ayaw kong tingnan ito at baka mailang lang ako at mapansin nito.

"Are you avoiding me?" matigas na sabi nito. Kinabahan ako dahil sa sinabi nito. Alam ko ang ganoong tono. Ibig lamang sabihin nito at hindi niya nagugustohan ang isang bagay. Ganito ang tono niya kapag may bagay akong ginawa or ginagawa na ayaw niya.

Tiningnan ko ito at pagak na tumawa.

"Sir-l mean Titus, hindi. Paano niyo naman po iyon nasabi?" balik na tanong ko dito. He's staring at me and ang mga tinging iyon is piercing through my soul. Ang tingin nito ay mapanuri. Alam ko namang hindi ito maniniwala at ang tanga ko for answering that question with a lie.

"I'm not dumb para hindi mapansin ang ginagawa mo these past few days. Hindi na kita nakikitang lumalabas. So tell me, is it about what happened 2 days ago?" anas nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko doon. At nasabi niya na din ang nangyare 2 days ago kaya mas nailang ako. Bakit ba kasi dapat pang banggitin iyon?

"Ahmm Titus, hindi mo naman kasi dapat ginawa iyon. Noong bata pa po tayo ay okay pa pero hindi na po ngayon. Ikakasal na po kayo." sagot ko dito. Napayuko ako dahil sa sinabi ko kasi totoo naman. Sinasabi ng isip ko na hindi niya dapat iyon ginagawa dahil ikakasal na siya at ayaw kong umasa. Ayaw kong malungkot muli kapag iniwan na naman niya ako. Ayaw kong sanayin ulit ang sarili ko sa presensya niya.

Hindi ko siya narinig na nagsalita pa. Tiningnan ko ito at matiim na nakatitig lamang ito saakin. Akala ko magagalit na naman ito pero hindi. Agad itong umalis sa kanyang upuan at umakyat na pataas. Alam kong galit ito. Ganun na ganun siya kapag sinasagot ko siya noong bata pa kami.

Tahimik lamang akong naiwan sa dining table. Gusto kong maiyak. Bakit kasi ginawa niya iyon? Nagugulohan ako. Ano bang ibig sabihin nun? Ayaw ko ng umasa ulit.

~*~

"Alam mo sis narealize kong hindi dapat ako nainlove sa taong 'yon. Jusko." naiinis na saad ni Troye habang nasa isang fastfood chain kami sa loob ng campus namin. "Or even isa sa mga teammates niya. They are all bunch of Playboys na dapat kina-castrate para hindi na kumalat ang lahi." dagdag pa niya.

Medyo natawa naman ako the way na sabihin niya 'yon. "Alam ko. Nakilala ko pa nga ang isa sa kanila." sabi ko. Napatigil naman ito sa pag inom niya ng milktea niya at lumaki ang mata. Natawa naman ako dahil nasamid din siya sa iniinom niya.

"You what? Nameet mo ang isa sa kanila? Hoy ikaw bakla ka hindi mo sinasabi saakin na nakikipag meet ka pala sa mga random guys ah? Akala ko pa naman inosente ka." hysterical niyang sabi. Mas lalo akong natawa sa reaksyon niya. "Bakit moko tinatawanan?"

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon