Chapter 3

169 13 0
                                    


Eurice's POV

Pagkauwi ni Troye ay ramdam ko pa din ang awa sakanya. Hindi na kasi bumalik ang masigla niyang mood simula nang bumalik kami galing sa Ateneo. Hanggang matapos ang huli naming klase ay hindi talaga siya makausap.

Pagka uwi ko ay nakita ko si Nay Neli na isa isang pinapalitan ang punda ng mga maliliit na unan sa sala. Ineexpect kong nandoon na si Sir Titus sa may sala at nanood ng football dahil medyo late na ako ngayong nakauwi. Ngunit walang Sir Titus doon.

"Ahmm Nay Neli, nasaan po si sir Titus?" Tanong ko kay Nay Neli pagkatanggal ng sapatos ko. Inaasahan ko kasing sabay kaming uuwi o mauuna itong umuwi saakin. Ngunit alas syete na pero wala pa siya. Eh? Bakit ko ba siya hinahanap? Baka busy 'yon.

"Ay hindi pa umuuwi baka mamaya pa. Bakit?" tanong nito pabalik. Umiling ako.

"Wala po, Nay Neli." sagot ko dito at umakyat na papuntang kwarto ko. Agad akong nagbihis ng pambahay at nahiga sa kama ko.

Sobrang napagod ako ngayong araw. Hindi pa din ako nakapaniwala na nakapag lakwatsa ako. Napangiti ako dahil doon. Magagalit kaya si Sir Titus kapag malaman niya? Siguro kasi isa siya sa mga tumulong saakin makapag aral tapos maglalakwatsa lang ako. Tapos sa University pa talaga kung saan siya nag graduate. Ngunit itinaboy ko agad iyon sa isip ko. Hindi naman na niya malalaman.

*tok tok*

Katok ng kung sino sa kwarto ko.

"Sir Eurice, pinapatawag daw po kayo ni Sir Titus. Nasa sala po siya ngayon." ani Nay Neli. Napabalikwas ako ng bangon. Agad akong kinabahan. Bakit naman niya ako pinapatawag? Baka dahil sa- Hindi naman siguro. Tyaka hindi naman kami nagtagal ni Troye doon tapos free time ko din naman nang oras na 'yon. Ahh bakit naman ganun ang iniisip ko? Baka may ibang bagay lang na sasabihin.

"Opo papunta na." sagot ko dito. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas na ng kwarto.

Pagkababa ko ay agad kong nakita si Sir Titus na nakatayo sa may sala at may kausap sa telepono. Eh? Akala ko ba hinahanap ako nito? Pinagtitripan ba ako ni Nay Neli?

Humarap sakin si Sir Titus habang hawak ang cellphone nito. Napansin naman ako nito at agad na napatingin sakin. Hindi na ito nagsasalita sa kausap at nakatingin lang ito saakin, cut it, hindi lang siya nakatingin saakin kundi nakatitig. Tiningnan ko agad ang sarili ko kung may mali ba sa suot ko. Naka manipis na shorts kasi ako ngayon at sandong hapit sa payat kong katawan.

"Okay. I'll just update you about the revision of the project... Yeah. Bye" paalam nito sa kausap. Agad naman akong nailang sa paraan ng pagtitig nito. Aalis na ba ako? Baka naman kasi hindi naman talaga ako nito tinawag at nagulat lang bakit ako nasa harap nito.

"Ahmmm sir Titus, sinabi po kasi saakin ni Nay Neli na pinapatawag niyo daw po ako." aniko rito. Gusto ko na siyang sitahin sa paraan ng pagtitig nito. Bakit ba siya nakatingin doon?

"Yeah Mom invited us to have a dinner sa bahay. She said na dalhin kita that's why pinatawag kita."  sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang ilihis niya na ang tingin na doon. Hindi na din kasi ako komportable.

"Ahh ganun po ba. Sige po magbibihis lang po ako." huling sabi ko dito at tumalikod na. Hindi na ako nagtanong pa dahil nahihiya na ako bigla sa suot ko. Ganito naman ako normal na manamit noong nasa Mansion pa ako pero bakit bigla akong nahiya? Siguro dahil sa paraan ng pagtitig nito saakin.

Agad akong nagbihis ng isang puting tshirt na medyo malaki saakin at pantalon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang susuotin ko pero since sabi ni Sir Titus na dinner lang iyon kaya sinuot ko na lamang ang damit na komportableng suotin.

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon