Chapter 10

88 13 3
                                    


Eurice's POV

"Eurice, over here." tawag saakin ng isang babae habang kumakaway. Agad naman akong lumapit dito. "Mabuti naman an umattend ka. Nauna na si Troye dito. Nandoon siya." sabi niya sabay turo kay Troye na may kausap na lalake.

I heard na nanliligaw daw ito sakanya but he rejected the guy. Sadyang nakapa-persistent lang talaga ng lalake kaya hindi pa siya nito tinitigalan. I don't know at parang masaya naman silang nag-uusap.

"Oh Eurice, natagalan ka ata sa CR?" sabi nito nang makalapit ako sakanya. Ngumiti lang ako dito ng pilit kasi nakatitig saakin 'yong lalakeng kausap niya.

"Sinubokan ko kasi 'yong tinuro mo saakin." sabi ko sakanya. Shock naman niya akong tiningnan. I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga nakapa-OA ng baklang ito.

"Patingin nga?" he said. Agad ko namang ipinakita sakanya ang ginawa kong pag-make-up sa sarili ko. "OMG. Ang ganda. Mas lalo kang gumanda Eurice. Kaya pala kanina pa tumitingin ang mga tao sa'yo dito." aniya. Nahiya naman ako bigla.

"Tigilan mo nga 'yan. Sa eyeliner lang na pataas ako nahirapan. Hindi ko kasi mapantay." aniko.

"Ano ka ba. Okay nga eh. Ang ganda. Parang pinagsisihan ko tuloy na tinuruan kitang mag-make up." sabi niya. Natawa naman ako sakanya. May kinuha siya sa bag niya at ibinigay ito saakin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "It's an eyeliner, for beginners. Ito ang itry mo kasi madali lang burahin." sabi niya. Agad ko naman itong kinuha.

Natuwa ako. Hindi ko iniexpect na magugustohan ko ang mga bagay na ito. Siguro dahil sa mga nakita ko noong nag-audition ko. Ang gagwapo kasi at ang gaganda ng mga tao doon. Nahiya ako kasi ako lang ata ang walang kolorete noon sa mukha.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang meeting. Tungkol ito sa gaganaping event sa university. Kaunti lang ang Engineering students na nandito. Ang alam ko ay pili lamang ang istudyanteng naimbitahan.

"Good Afternoon, Everyone." bati saamin ng President ng SSC. Ito ang babaeng sumalubong saakin kanina. "As we all know, Arts Month is coming and it's a tradition of our university ang i-celebrate ito." sabi niya at may kinuhang papel mula sa envelope na hawak niya. "Naghanap kami ng mga istudyanteng may potensyal na maging parte ng event na ito and with the help of other organizations nandito kayo ngayon para maging importanteng parte ng event na ito. Pero it's up to you kung gusto niyong maisali kayo." paliwanag niya. Sinabi niya din ang iba't ibang event na pwedeng salihan. Like Dance Troupe na magpeperform, singing, model for the fashion designers, Theater at marami pang iba.

Gusto kong salihan ang dancing o kaya singing kaso nag-conduct na pala sila ng audition for it and meron ng magpe-perform para dito. Medyo nalungkot naman ako dahil doon.

So, ano na ang silbi ko dito? Pagme-make up naman ang sinalihan ni Troye. Wala na akong talent maliban sa pagkanta o pagsayaw.

"Ahmm... Hi. Ikaw ba si Eurice Delim?" tanong saakin ng isang babae na naka-eyeglass.

"Ahh... Opo. Ako po." sagot ko naman sakanya. Lumiwanag naman ang mukha niya sa sagot ko.

"Baka gusto mong maging model para sa damit na dinesenyo ng team namin for Arts Month." nagulat naman ako sa sinabi niya. "Actually, Ms. President personally told us about you. Kaya we reached out sa'yo na umatted sa meeting na ito." sabi nito. Una kong narinig ang meeting na ito kay Troye pero akala ko make up-make up lang. Then Ms. President approached me at sinabing umattend daw ako.

Hindi ko alam ang isasagot. I never imagine myself na maging model.

"Hindi ko alam eh. Tsaka hindi kasi ako marunong sa mga ganyan baka masira ko lang ang team niyo." nahihiya kong sabi. Isipin ko pa lang ang maglakad sa maraming tao na mag-isa parang doble na ang kaba ko.

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon