Chapter 5: His POV

172 17 0
                                    

AN: THIS CHAPTER IS NOT YET EDITED. PLEASE BARE WITH THE TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS. THANK YOU.

Titus' POV

"You will go back to Manila or papalayasin ko ang katulong na iyon kasama ang anak niyang hampas lupa...No wonder why you are so smitten to that damn gay boy, pareho kayo ng ama mo." sigaw nito saakin. Halatang naka inom ito kaya nasasabi ang ganoong bagay. Pero hindi ko na nagustohan lalo na't dinamay na nito ang taong gusto ko.

"Lola, I will not let you say things like that to him!" sigaw ko dito.

"Congratulations, Architect Titus Romanov. Another Architect from the Romanov Clan." sabi ng Tito Clarken sa'kin. Nandito kami ngayon sa Mansion ng mga Romanov to celebrate my victory and acing the Architecture Licensure exam.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko na ang maging Architect, siguro dahil na din sa impluwensya ng aking Tito Clarken. Nagka interest kasi ako dito noong panahon na umuwi kami galing Nueva Ecija. Sa sobrang pangungulila ko sakanya ay ibinuhos ko ang aking oras sa pag-aaral ng architecture kahit sampong taong gulang pa lamang ako. Nasa isip ko noon ang magpatayo ng magandang bahay na ako mismo ang nagplano para sakanya.

"Yayabang ka na niyan, Titus. Grabe ka bro masyado mo namang ginalingan ang licensure exam. Top 2 ang loko." bungad saakin ni Realm saakin. Nginisian ko lang ito. Grabe makapuri ang gago eh top 4 nga din siya sa Civil Engineering Licensure exam.

"Hindi naman pwedeng kayo lang ang may ipagmamayabang sa nakuha niyong lisensya." tanging sagot ko lamang dito. Naginoman kami at nagkasiyahan. Masaya ang lahat sa tagumpay ko, pero ako hindi ko magawang maging masaya, completely. Alam kong kulang pa ang mga success kong ito. Kulang ito dahil wala ang taong pinaglalaanan ko nito.

Natapos na ang kasiyahan at unti unti nang nababawasan ang mga bisita. Umuwi na din sila Tito Clarken at ang iba kong pinsan. May tama na din ako but I know na kaya ko pang umuwi.

Pumasok ako sa Mansion at doon nakita ko ang aking ama na prenteng nakatayo sa may sala. Nakatitig ito saakin. Nginisian ko ito. Himala at nagpakita ito saakin. Akala ko tuloyan na itong nakalimot na may anak pa ito.

"Himala at nagpakita ka. Akala ko pa naman patay na kayo." bungad ko dito. Pero alam kong may diin iyon. Gusto ko itong sugorin at paulanan ng suntok pero hindi ko ginawa. Kahit papaano ay ama ko pa din ito at may respeto pa akong natitira para dito.

"Congratulations, Son." anito. Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nito.

"Son? Really? Akala ko nakalimot na kayo? 'Wag mo akong matawag tawag na anak after what you did." sumbat ko dito. Gusto ko na itong pagbuhatan ng kamay pero imbis na iyon ang gawin ko ay umalis ako sa harapan nito at agad na tumungo sa kotse ko. Minaneho ko ang kotse ko paalis sa lugar na iyon. Ayaw kong malagay sa isang lugar na malapit sa taong iyon.

Bakit ba hindi ko man lang naisip na dadalo ang taong iyon sa selebrasyong iyon? Siguro dahil kinalimutan ko na ito. But who am I kidding? Sino naman ang makakalimot sa taong minahal ko, sa taong pinagbibigyan ako sa lahat ng gusto ko. Iniisip ko, kung nandoon siguro ito sa panahong iyon ay kasama ko pa siguro siya at hindi ako nawalay sakanya.

Lalake ako at hindi dapat ako magpakita ng kahinaan pero hindi ko mapigilang maiyak dahil doon. I really missed him but I can't risk his life hangga't wala pa akong kakayahan para protektahan ito. Marami nang taon ang nasayang ko.

~*~

"BRAVO! Napakagaling mo Architect Romanov. Hindi ako nagsisising ikaw ang kinuha kong architect sa project na ito. You did a great job." papuri saakin ni Mr. Carr matapos kong ipresent ang plano kong design para sa isang residential house na pinapagawa niya sa Makati. Napangiti naman ako dahil nagustohan niya ito.

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon