Chapter 11

61 8 4
                                    

This Chapter is not Edited. Bare with the Typos and Grammatical Errors.

Eurice's POV

"Ang OA mo naman, Eurice. Tatambay na lang tayo tapos doon pa talaga sa malayo sa subject natin." reklamo niya.

"Shh 'wag ka na ngang mag-reklamo. Eh gusto kong doon tayo tumambay eh. Tiyaka doon naman talaga ang tambayan natin ah?" sabi ko.

Hindi naman na siya nag salita at sumunod na lang. Pero kitang kita ko pa din ang inis sa mukha niya. Ayaw niya daw kasi pagpawisan at baka mabura ang make up niya. 

"Oh saan ka pupunta?" tanong niya nang makarating kami sa labas ng tambayan namin.

"Diyan ka lang may kukunin lang ako." sabi ko dito.

"'Pag ako talaga, Eurice, iniwan mo dito hindi ka sasahod sa paluwagan natin." biro niya sabay labas ng make up powder niya at naglagay nito sa mukha niya. Inikotan ko lang siya ng mata at agad na pumunta sa likod ng tambayan namin kung saan ko nilagay ang binili ko.

"Happy Birthday, Troye!" bati ko sakanya habang hawak ang cake na binili ko. Nagulat siya sa ginawa ko na nabitawan niya ang hawak niyang make up brush.

Inilapag ko naman ang cake sa mesa at sinindihan ang kandila ng cake. Naiiyak naman niya akong niyakap.

"Grabe ka, Eurice. Hindi mo na dapat ginawa ito alam mo namang balat sibuyas ako eh. Mabubura tuloy make up ko. Pero thank you, dito ah?" sabi niya.

"Syempre birthday mo ito. Hindi pwedeng hindi kita surpresahin 'no." sabi ko. "Make a wish na. Dali." excited kong sabi sakanya. Ngumiti naman siya at ipinikit ang mata niya.

After niyang mag wish ay hinipan na niya ang cake. Ngumiti siyang humarap saakin.

"Nag-abala ka pa talaga, Eurice. Here." sabi niya sabay abot saakin ng isang envelope. "It's an invitation para sa birthday party ko mamaya. Dapat pumunta ka." aniya. Tinignan ko naman ang laman nang iniabot niya saakin. It a black and white na invitation.

"Sige. Magpapaalam lang ako kay Titus about this." sabi ko.

"Dapat lang. Baka sumugod 'yang boyfriend mo doon kapag hindi ka nagpaalam." natahimik naman ako sa sinabi niya. "Hoy kahit hindi mo sabihin saakin alam ko ang relasyon niyong dalawa. May boss bang hinahalikan ang anak ng employee niya?" sabi niya.

"Paano-"

"The day na sinundo ka niya sa parking lot after ng isang exam natin. I saw him kiss you on the cheeks." saad niya. Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya.

"I-I'm sorry hindi ko sinabi sa'yo." ako

"Ano ka ba, Eurice. It's okay. Alam ko namang hindi ka pa ready eh. Atsaka I won't judge you 'no. Sa pogi ba naman ng isang Titus Romanov na 'yon kahit ako papatulan ko 'yon." biro niya. Natawa naman ako dahil doon. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

I was really hesitant na sabihin sakanya ang relasyon namin ni Titus knowing how I introduced Titus to him. Iniisip ko noon na baka anong sabihin niya saakin dahil ang alam niya ay Boss iyon ni mama. Takot ako na sabihan niya akong nanghuhuthot kay Titus. Pero hearing these words from him makes me happy.

"So ano na gagawin natin dito sa Cake? Hindi naman natin mauubos 'to." sabi niya.

"Oo nga 'no? Sayang naman kung itatapon natin." ani ko. Naalala ko bigla iyong mga bata na nanghingi saamin noon sa fast food chain na kinakainan namin. "Alam ko na. Naalala mo sila Hiro?" tanong ko sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enraptured Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon