Author's Note
Lahat ng lugar, pangalan, at pangyayareng nabanggit sa nobelang ito ay pawang kathang isip lamang. Ibig sabihin hindi iyon totoo o gawa gawa ko lamang and kung meron mang kaparehas niyon sa totoong buhay ay coincidence lamang iyon at hindi ko iyon sinadya. Maraming salamat. Enjoy.
Eurice's POV
Ilang oras na kaming nasa mall ni Troye. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya pero kanina pa kami libot nang libot sa mall. Sabi niya ay may bibilhin lang daw kami pero kanina pa kami rito ngunit wala pa siyang nabibili.
Ilang store na din ang napasokan namin pero parang tanga niya lang akong hinihila sa ibang store kahit ilang minuto pa lang kaming nasa loob. Hinahayaan ko naman dahil baka naman wala doon ang bibilhin niya. Kung hindi nga lang niya ako nilibre ng lunch ay baka kanina pa ako umuwi.
"Troye, aware ka ba kung ilang oras na tayong paikot ikot ng mall? Maga-alas-tres na ng hapon. Baka gusto mo nang umuwi?" saad ko dito. Kanina pa kasi text nang text si Titus kung anong oras ako uuwi. Hindi ko din alam dito kay Troye kung balak na niyang mag over night dito sa mall.
"Ano ka ba. Sandali lang naman ito. Promise uuwi na tayo after nito." sagot nito. Lesson learned: 'wag maniwala kapag sinabi niyang sandali lang. Kasi kanina pa niya iyan sinabi pero walang nangyayare.
Hinayaan ko na lang total busog naman ako sa mga libre niya. And binilhan din niya ako ng butterfly na stickers. I really love these. Ididikit ko 'to sa salamin ng banyo ko mamaya.
It's been a months since that scene of me and Titus happened. Sa ilang months ding iyon ay we become in a relationship. Isang buwan din niya akong niligawan. Happy naman ako sa desisyon ko dahil alam ko namang we both love each other.
Our relationship is not as perfect as others but we are helping each other like we're crossing an old bridge. Minsan kasi ay sobra na ang pagiging seloso niya but I always give him the affirmation na siya lang. I've waited for years for us to reunite again kaya ayaw kong masira ulit ito.
Habang si Troye naman become my instant manager. Hindi alam ni Titus na I'm auditioning sa mga entertainment company dahil alam kong tututol iyon. Si Troye lang ang tumutulong saakin. And I am learning many things from him. From how I should look and sometimes I acquire some of his words na ginagamit. Kaya medyo nagtutunog Troye na din ako.
Ilang sandali lang ay hinila ako ni Troye papunta sa isang clothing line. Hinayaan ko na lang kasi kanina pa ito. Pero pinagtataka ko kung ano ba ang sadya niya talaga dito kaya naki-usyuso na din ako. Nangunot ang noo ko seeing Sean and a girl na namimili ng damit.
Sean looks uninterested while ngiting ngiti naman ang babaeng nakatingin sakanya. The girl is different from the girl na nakita naming kasama niya sa court.
"Troye, what is this? Akala ko ba hindi ka na hahabol sa lalakeng iyan? Grabe pa ang tapang mo habang sinasabi iyon saakin tapos ngayon siya pala sinusundan natin?" naiinis kong sabi. He just looked at me na parang batang nahuli ang ginagawang mali. Gusto ko din sabunotan ang taong ito eh.
"Shh 'wag kang maingay baka marinig tayo." aniya sabay hila saakin sa likod ng isang parang cabinet. "I'm sorry hindi ko sinabi sa'yo." paghingi niya ng patawad. I look at him with disappointment. I thought he's done with this boy.
"Troye, bakit mo ulit ito ginagawa?" tanong ko. Kinakabahan niya akong tiningnan.
"Hehe break na kasi sila ng girlfriend niya and then nalaman ko sa friend ko from his university na may bago na naman daw siya and he's a playboy. I just want to confirm it 'yon lang." kinakabahan niyang sabi. I don't know if he's lying. We've only become friends for a month pero concern na din ako sa baklang ito. Ang hilig niya kasing mainvolve sa mga lalakeng masasama ang ugali kagaya ng Sean na ito. And I don't want that for my friend.
BINABASA MO ANG
Enraptured
Romance"You're mine and mine alone. I will not let anyone take you away from me. I will bury them alive if they attempt to. Keep that in mind, Little Kitten."