The Varsity and Me

127 18 0
                                    

The Varsity and Me

"GO SEXYYYYY!!! GO SEXYYY!!! GO SEXY SEXY LOVEEEE!!!"

Tuwang-tuwa yung mga kaibigan ko habang nanonood kami ng laban ng basketball sa aming school. At ang nakakatawa, hindi 'yung mga varsity ang sinusuportahan nila kundi ang kalaban. Bahala sila diyan, wala naman akong hilig manood ng basketball. Kung di lang required pumunta, hindi ako pupunta dito eh. Pero dahil plus 5 sa Math, pumunta na ko. Hehe. Sayang din 'yun! Medyo hirap pa naman ako sa Math.

Natapos ang laban at halos hindi parin maka-move on ang mga kaibigan ko sa kanilang napanood. Panay parin ang kwentuhan sa mga kung sino-sinong varsity players dun na hindi ko naman kilala. Harot! Buti pa sna kung si Daniel Padilla 'yung isa sa mga yun, titilian ko talaga ng bonggang-bongga! 'Yun talaga 'yung definition ng POGI sakin ehhh.. Yieeee! I LOVE DANIEL JOHN FORD PADILLA!

Hanggang sa makauwi, hindi parin sila tumigil sa kaka-kwento. Mukang ako lang talaga yung hindi nag-enjoy sa pinapanood kanina. Okay naman 'yung laban, actually dikit 'yung laban. Magagaling din kasi yung mga varsity ng school namen. Pero siguro pana-panahon lang 'yan. Kabilang school yung nanalo eh. Siguro mas magaling 'yung mga players nila. Actually, may isa pala dun na nakaw-pansin sa mga tao, or should I say, nakatawag pansin din sa akin. Ang galing niya kasing mag-shoot ng bola. Laging three points! Lalo na pag wala nang oras, sa kanya lagi pinapasa tapos ayun, three points nga. Siguro three pointer siya ng kabilang school. Hehe. Basta magaling siya mag-shoot. Ang dami ngang nagtititlian sa kanyang mga babae. Well, gwapo din pero mas gwapo padin talaga ang papa DJ ko. Hihi.

Bumili muna ako ng paborito kong chocolate drinks bago ako umuwi ng bahay. Lagi ko 'yun ginagawa kapag may mga project akong kailangang tapusin. Ang dami-dami na at natatambakan na ko ng gagawing project, so bago pa mag-deadline at madagdagan pa ng ibang subject, kailangan ko nang matapos. Pagpasok ko sa isang mini store, nakita ko 'yung lalakeng three pointer na kalaban kanina ng aming school, may kasama siyang babae. Hmppp! Gwapo sana kaso mukang babaero sa pakiwari ko. Inisip ko sanang lumabas na lang muli at sa iba na bumili kaso napag-isip-isip ko na hindi naman niya ko kilala at wala naman akong ginagawang masama. In short, bumili padin ako. Kinuha ko 'yung chocolate drinks na bibilhin ko at nagbayad na sa counter. Laking gulat ko nang makita kong nasa likod ko na siya at kasunod na magbabayad sa counter.

"Hi Miss!" bati niya sa akin.

Ngumiti lang ako bilang ganti. Baka isipin niyang suplada ako kung sakaling hindi ko siya papansinin so I try to be nice parin. Ang tagal kasi 'nung nauna sakin, mukhang ang dami yatang binili. Sana sa mall na lang siya o kaya sa market kung gusto niyang bumili ng madaming item.

"Uhmm Miss malapit ka lang ba dito?" tanong sa akin. Tumango naman ako bilang pagtugon. Ayokong sumagot sa kanya. Hindi naman kami magkakilala at hindi ko naman siya close.

"Miss may nakapagsabi na ba sayong maganda ka?" muli niyang tanong. Sa pagkakataong ito nag-blush ang mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba nung sinabihan niya kong maganda. Nagulat na lang ako nang biglang may kumalabit sa akin. Si Kuyang three pointer nga.

"Miss--? Okay ka lang?? Kayo na po?" agad siyang ngumuso at agad naman akong tumingin sa counter. SHOCKS! Guni-guni ko lang pala yung kanina. Isang malaking ilusyon! Ano ba naman 'tong naiisip ko. Nakakahiya tuloy. Mabilis pa sa alas-kwatro nang magbayad ako sa counter at kinuha ang aking binili. Sa pagmamadali ko, nakalimutan ko na din kuhanin ang sukli. Nalaman ko na lang 'nung nakauwi na ko sa bahay. Shit talaga!

Pag-uwi ko ay agad na kong sumalampak sa sahig. Hindi na muna ako nagbihis sa kwarto dahil for sure, kakatamaran ko nang bumaba at gumawa ng project. Kailangan ko na nga matapos ang project na 'to. Habang nagawa ako ng project, nagpatugtog muna ako ng kanta ni Daniel Padilla na "Simpleng Tulad Mo" Ultimate crush ko na siya magmula 'nung mapanood ko siya sa T.V. Hindi pa nga siya ganoon kasikat 'nun kaya laking tuwa ko 'nung sumikat siya at nagkaroon siya ng mall tour. Minsan nga akong pumunta sa mall tour at halos himatayin ako nang makita ko siya. Last week lang yata 'yun. Dinahilan kong may pasok ako kahit wala naman talaga. Humingi pa nga ako ng pera kila mama at papa at binigyan naman ako. Kasama ko 'yung mga kaibigan ko kanina na nagpunta dun sa mall tour ni papa DJ. Gusto rin daw nilang makita. Ayun, sobrang saya kasi sigaw ako ng sigaw! HAHA. Ang taas ko daw mangarap na mapapa-sakin si Daniel Padilla myloves.

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon