For the Second Time

74 6 0
                                    

For the Second Time

"First of all I want to say Sorry, for all that I did this past few days. Kilala mo na naman ako eh, O.A lang talaga ako, kaya pag-bigyan mo na. Oo, inaamin ko, ako naman talaga yung laging nag-uumpisa ng malala nating away eh.. Ewan ko ba at bakit ako ganito sayo, Sorry magulo na utak ko eh. Masyado na kasi akong madaming ginagawa, madami na din akong problemang hinaharap, lalo na sa mga subjects ko, nag-e-expect pa naman si mommy ng mataas na grades ko for this year kaya eto busy sa sobrang pag-po-focus sa mga subjects ko. Graduating na kasi.. Gusto ko kasing maging proud sila sakin. At syempre para maging proud ka din na ako ang girlfriend mo. Relationship goals natin 'to diba?

Aside from that, gusto ko din syempreng mag-thank you for being with me everytime na may problema ko.. Hindi mo ko hinahayaang mag-isa lalo na kapag kailangan ko ng kausap at kayakap. Thank you din kasi kahit ano pa man yung mga nagawa kong kasalanan na halos alam kong gusto mo nang sumuko dahil paulit-ulit na, di mo pa rin ginawa. Naks! I'm really thankful coz you're my boyfriend. Thank you kasi nakilala ko yung lalaking alam kong mamahalin ako. Yung lalaking hindi ako iiwan. Yung lalaking susuportahan ako. Yung lalaking hindi sumuko para mabago ko. Yung tinanggap ako ng buong-buo. Salamat sa lahat. Ikaw yung lalaking hinding-hindi ko makakalimutan, yung tipong kahit lumipas na yung taon, mananatili ka parin sa puso ko.

Lastly, gusto kiyang batiin ng Happy 1st Anniversary. Stay strong pa sana para sating dalawa. Kapit lang at tatagal pa tayo ng maraming taon. Magtiwala ka. Wala namang susuko satin diba? Walang makakapigil satin parang Pabebe Girls. Haha. Ikaw parin ang nag-iisang Bae ng buhay ko. Oha! Cheesy ko. Lol! Ang Tagal na natin pero nanatili parin 'yung spark sating dalawa. Kinikilig padin ako everytime na nakakasama at nakakausap kita. Grabe naisip ko bigla na sobrang dami na nating pinagdaanan pero heto tayo, patuloy na pinapatunayan sa kanila na May Forever. Meron naman talaga diba?

Happy Anniversary again for the two of us. Stay Strong And take care as always. Yung mga bilin ko sayo ah, wag mong kakalimutan at please iwasan mo na po ang pagseselos sa iba, Di naman kita ipagpapalit eh, ikaw lang po sapat na sobra pa. Asaahan mo pong lagi akong nasa tabi mo. Susuportahan kita sa kahit anong gusto mo. Basta ba for good ehh. Naaalala mo po ba nung nag ba-basketball kayo? Nandun ako sa tabi para i-cheer ka ng bonggang-bongga! O diba? You should be proud of me of talaga becuse Im your stage girlfriend. Haha. Nakakahiya nga ehh. Nakakamiss gumala kasama mo. Sa susunod alis tayo, sasabihan nalang kita. Alam mo namang busy ako sa study kaya sana naiintindihan mo. Kailangan kong makasama sa top para pumayag sila mommy and daddy na umuha ako ng scholarship sa gusto kong school at gusto kong course. Syempre kung nasaan ka, dun din ako. Kaya pag-iigihan ko para magkasama parin tayo sa Maynila.

Mahal na mahal na mahal po kita. Uulitin ko po MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA GODOFREDO. Caps lock na 'yan para damang-dama mo kapag binasa mo ito. Mwahhhh! :*"

Hanggang ngayon umiiyak parin ako kapag nababasa ko 'yung sulat na binigay ko sa kanya dati. Dalawang na taon na ang nakakalipas pero sariwa parin sakin ang lahat. Dalawang taon na pala akong nangungulila sa taong minahal ko ng sobra. Dalawang taon na pala akong umaasang magkikita pa kaming muli. Dalawang taon na kong nababaliw sa mga katanungang hindi ko namang mabigyan ng sagot. Dahil wala na siya. At alam kong malabo na kaming muling magkita.

Sa lawak ba naman ng Maynila, saan ko siya hahagilapin? Saa ko siya makikita? Sigurado ba kong nasa Maynila siya? Paano kung nag-abroad pala siya? Pero bakit hindi man lang siya nag-paalam sakin? Bakit bigla na lang niya kong iniwan sa ere? At ang masaklap pa, anniversary naming 'nung araw na umalis siya. Magkikita sana kami sa tagpuan namin pero hindi nangyari. Naghintay ako sa kanya ng matagal pero walang dumating. Ni anino niya, hindi ko nasilayan. Pumunta ako sa bahay nila at ganun na lang ang labis na pag-iyak ko nang sabihin ng kasambahay nila na umalis na siya kasama ng kanyang pamilya. Akala ko pa nga namasyal lang pero hindi daw, lumuwas na sila at hindi man lang alam ng kasambahay nila kung saan mismo nagtungo. Buong akala ko sabay kaming luluwas nang Maynila para mag-aral pero hindi nangyari. Actually alam ko naman na luluwas sila kaya nga pinag-planuhan na namin 'yun eh. Kaya nga pinag-susumikapan kong mag-aral para magkasama kami hanggang sa kolehiyo, pero wala ehh.

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon