Teasing Me

77 9 0
                                    

Teasing Me

"Hi crush!"

"Ang ganda mo talaga!"

"Alam mo gusto kita.."

Palagi niya 'yan sinasabi sakin kahit hindi ko naman alam kung bakit. Hindi ko alam kung totoo ba o hindi pero malaki yung chance na lam kong biro lang ang mga 'yun. Kaya kapag sinasabi niya ang mga ganyang kataga sakin, pinag-hahampas ko siya eh. Hindi ako sanay na may natawag sakin ng ganun. Hindi naman kasi ako maganda o kaya kinikilala sa school. Simpleng estudyante lang ako.

Pero hindi ko akalain na darating sa point na mami-miss ko din pala 'yung mga sinasabi niya. Aminado akong naiinis ako kapag sinasabi niya iyon pero ngayon ewan ko. Parang hindi kumpleto 'yung buong araw ko kapag hindi ko naririnig iyon sa kanya. Hindi buo ang araw ko kapag hindi niya ko inaasar ng ganyan.

Ang sabi ng mga kaibigan ko tigilan ko raw dahil nagjo-joke lang daw 'yun. Kay nga hindi ko na rin sineseryoso ulit kapag sinasabi niya iyon sa akin. Baka kasi lumalim pa ito at mahirapan lang akong makaahon. Kung bakit kasi joke lang 'yun para sa kanya. At kung bakit ba naman kasi na ang joke ay nakakasakit. Diba ginawa lang 'yun para magpasaya? Tss..

Naalala ko noon 'nung pasukan pa lang, 4th year kami pareho at kaklase ko siya. First time ko siya magiging kaklase dahil section 2 siya palagi samantalang ako laging nasa section 1. Naglalakad ako 'non papuntang canteen at nakita ko 'yung mga grupo ng mga kalalakihan na kinabibilangan niya. Kaklase din naming 'yung ibang mga lalaking kasama niya.

"Chicks pare ohhh!" sabi 'nung isang lalaki. Nakatingin sila sa babaeng naglalakad din papunta ng canteen. Nasa corridor kasi sila at 'yun lang ang tanging dadaanan papuntang canteen.

"Oo nga pre! Uhmm miss, pwedeng makuha number mo?" sabi naman 'nung isang lalaki sa babaeng papunta ng canteen. Hinarangan niya ito sa dinaraanan at saka naglabas ng cellphone. Akala niyo siguro papansinin siya nung babae pero umirap lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"HAHAHAHA! WALA KA PALA EHH!" sabat muli ng isa pang lalake. Nagsimula na ang maingay na kantyawan nila sa isa't-isa.

Napailing-iling ako dahil mukhang wala silang magandang gagawin. Pero no choice ako kundi dumaan sa harapan nila dahil yun lang way para makapasok ako ng canteen. Yumuko na lang ako para hindi nila ako mapansin at binilisan ko na lang ng konti ang paglalakad ko. Nagtaka ako dahil lahat sila ay naging tahimik. Nakiramdam ako at mukhang sinusundan nila ako ng tingin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng may biglang sumigaw sa kanila.

"CLASSMATEEEEEE!!! OYYYY MISSSSS!!!"

Medyo bumagal ang paglalakad ko dahil sa boses na sumigaw. Ako lang naman ang huling dumaan sa harapan nila kaya baka ako 'yung tinatawag nung lalaki. Isa pa mga classmate ko nga 'yung iba dun kaya hindi din nakapagtatakang ako talaga 'yung sadya nila. Ayoko mag-assume pero obvious na ako talaga kaya lumingon ako at tumingin dun sa lalaking sumigaw. Siya nga.

"Uhhmmm.. ano ehh m-may sasabihin sana ako sayo." Seryoso ang kanyang boses at waring nahihiya. Hindi kasi siya makatingin sakin ng diretso.

"Ano 'yun!?" tanong ko sa kanya.

"Alam mo gusto kita.. Ang ganda mo kasi eh!" asal niya sa akin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya nang lagay na 'yan pero hindi siya ngumingiti eh. May bahid nang diin ang mga sinabi niya.

Parang may kung anong pumigil sakin sa mga oras na iyon. Ano daw kamo? Gusto niya ko? Maganda daw ako? Ano bang dapat kong i-react sa sinabi niya? First time lang din na may lalaking nagtapat sakin sa harap ng maraming estudyante sa corridor. Hindi ko alam pero wala talaga akong karea-reaksyon ngayon. Ni hindi ko nga din maibuka ang bibig ko para magsalita at tumugon sa sinabi niya. Ano ba ang dapat kong gawin? At talaga bang totoo yung mga sinabi niya? Tiningnan ko siya pero seryoso padin ang kanyang mukha.

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon