Play and Learn

329 24 4
                                    

Play and Learn.

 

            "BREAK NA TAYO!" walang kaatog-atog kong sabi kay Vhong.

            "Hala—!? Anong ginawa ko?" pagtataka niya sa sinabi ko.

Nasa hallway kami ng school ngayon. Break time for 15 minutes so nagkalat ang mga kapwa ko estudyante. Hawak parin ni Vhong 'yung kamay ko.

            "Bitawan mo na ko! AYOKO NA!" inalis kong pilit ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Akmang luluhod pa siya pero hindi ko na pinansin.

            "Ano bang ginawa ko Jam?! PATAWARIN MO NA KO!" Sumisigaw na siya sa hallway pero dedma lang ako. Bahala siyang marinig ng mga teacher namin. Nakaramdam ako ng gutom dun ha! Niyaya ko nang pumunta ng canteen si Janna. Ang namumukod-tanging bestfriend ko. Madami akong kaibigan pero sa kanya lang ako may tiwala.

            "Uyyy grabe ka naman kay Vhong.." sabi sakin ni Janna habang naglalakad kami.

            "E di jowa-in mo!" tinarayan ko lang siya pero may halong pang-aasar.

            "Kung pwede lang be ehh. MATAGAL NA! Shit ka! Sinaktan mo 'yung pinakamamahal kong Papa Vhong." Pa-tweetums ni Janna. Nagtata-talon pa na parang bata. Di ko lang siya pinansin pero patuloy siya sa pagsasalita.

            "Kaso imposible kasing magustuhan niya ko." Bigla namang lumungkot ang mukha ni Janna. Ang bilis ng mood swing daig pa ko. Baliw na nga talaga 'tong best friend ko.

            "Okay lang 'yan. Malay mo, at the right time.. Mapansin niya rin ang beauty mo." Sabi ko naman sa kanya. Syempre bilang kaibigan kailangan ko siyang i-cheer up. Hehe.

            "Talaga—!? Sa tingen mo may pag-asang magustuhan niya ko?" tinignan niya ko na waring humihingi ng pag-asa. Pag-asang magiging sila ni Vhong. HAHAHA.

            "Oo naman be. Tandaan mo, Daig ng malandi ang maganda." Pagkatapos ay tumawa ako ng malakas.

            "So hindi ako maganda Ganon?" hinarangan niya ang nilalakaran ko.

            "Ooopppss! I did not say that! HAHAHA" sabay lihis ng daan kung saan siya nakaharang.

            Kilala ako sa campus namin. Pagtanong mo lang 'yung pangalang Jam na 4th year na nasa middle section, maputi, chinita at MAGANDA, AKO na agad 'yun! Walang duda. Pero kahit Jam na lang. Ako lang naman ang may Jam na pangalan sa buong campus. Walang iba. Walang pwedeng gumawa.

            At kung bakit ako nakilala? Simple lang naman. Madami kasi akong lalaki. Not to the point na nakikipag-do ako ha!? Hindi ako bitch! Yes I am flirt pero hindi ako BITCH! Ok? Nililinaw ko lang para klaro at detalyado. Madami kasing nahuhumaling sa ganda ko. Madaming nagbabalak manligaw so ako, push lang! Nilalandi ko lang 'yung mga gusto kong landiin. Kapag gwapo. Kapag mayaman o kaya maporma. Basta 'yung pwede kong irampa sa campus.

            Pero may quota din ako. Hindi ko pinalalagpas ang isang buwan sa mga nakakarelasyon ko. Nakikipag-break din agad ako. Kung syota kita at umabot ka nang isang buwan o lumagpas pa ng ilang araw, maswerte ka na! Wala pang nakaranas makatagal sakin. At sigurado akong na-delay lang ang break up natin. Hindi ko alam kung pinaglalaruan din ba nila ako. Wala akong pakelam. Wala naman silang nakukuha sakin. Ako? Wala rin naman. Hindi ko rin naman ugaling magpalibre. Pero dahil lalaki sila, ginagastusan nila ako sa tuwing aalis kami.

            Going back, kumaen lang kami ni Janna kasi break time tapos bumalik na rin kami sa kwarto namin. Same roiutine. Buhay estudyante. Aral kinig, sulat, basa, at higit sa lahat ng ayaw ko ay ang pagiging cleaners. Katulad ng ginagawa ko ngayon. Maaga si Janna kasi hindi naman siya cleaner. Suppose to be hindi naman din ako cleaner for today. Kaso na-late ako 'nung Monday sa pagpasok sa school. Every week kasi may mga punishment 'yung mga lumabag sa kasunduan o hindi sumunod sa rules. Usually Wednesday ginagawa ang punishment.

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon