Nerdy Joey.
Napabalikwas ako nang may bigla akong may narinig na malakas na ingay. Ringtone ng cellphone yun. Marahan kong iniangat ang ulo ko to check my phone pero hindi naman galing sakin. Tinignan ko yung babae sa kabilang table, sakanya naman pala! Napansin ko kaagad yung taas ng kilay ng librarian na nagpahinto sa tunog ng cellphone at sa buhay nung ate.
Nakatulog pala ako sandali. Buti hindi ako nasita. Ang lamig kasi dito sa library. Ang sarap matulog pag aircon. Hehe. Pero teka--- Si Joey 'yun ha? Nasa kabilang table siya. Hinahanap ang nawawala niyang salamin.
"Eto ba yung hinahanap mo?" bumaling ako sa narinig kong boses. Dumating yung mga kaibigan niyang nerdy din. Si Buboy at si Dddong.
"Kayo lang pala, Buboy.. Dodong, saan niyo nakita 'to?" sabi ni Joey matapos inabot ni Dodong ang salamin.
"Nahulog sa lamesa." Wika ni Dodong.
"Anong ginagawa mo dito?" singit ni Buboy. Napansin kong lumingon sakin si Joey kaya naman lumingon din patin mga kaibigan niya. Hindi ako nagpahalata. Baka mamaya kung anong isipin nila. Tumayo si Joey at tsaka naglakad papalayo sa dalawa. Mukhang ibabalik na niya ang mga hiniram niyang libro.
"Nagbabasa."
Dinampot ni Dodong yung manipis na pink na libro. "Love stories... LOVE STORIES!?"
"Hindi ko hiniram 'yan.. Baka may naglagay lang dyan 'nung nakatulog ako." pag-tanggi ni Joey. Nagbabasa ng love stories si Joey? Wow! Akalain mong sa nerd na katulad nila ay nagbabasa rin ng walang kabuluhang libro. Akala ko studies lang ang alam nila. Marunong din pala silang lumandi. Haha. Joke! Pero bakit kaya binabasa 'yun ni Joey? Kung totoo man na binabasa nga niya iyon.
"WAHAHAHA! LOKO KEN! Kelan ka pa natuto magbasa ng mga yan!?"
Lumabas sila ng library. Alam kong hanggang sa mga oras na ito ay nang-aasar prin sila Buknoy at Diego kay Joey. Lumabas na rin ako upang tingnan kung okay lang ba si Joey. Mukha kasing hindi dahil sa pinag-gagagawa ng mga kaibigan niya. Akalain mong bully rin kahit pare-pareha naman silang nerd.
*Blaghhhhhh!!!*
Nakita kong sumalubsob sa sahig si Joey. Gusto ko man siyang lapitan pero wala akong lakas ng loob. Matagal ko na siyang pinag-mamasdan. Naa-amazed kasi ako sa kanya. Nag-umpisa 'to nung nalaman kong siya pala ang may gawa 'nung lay-out ng bahay sa computer. Kumalat 'yun sa facebook, 'yung dreamhouse na gusto ko. Basta iba 'yung pakiramdam ko pag nakikita ko siya. Magaan sa pakiramdam, kahit pa nga sabihin nilang nerd si Joey.
"HAHAHAHAHAHA! ANG TANGA-TANGA MO JOEYYY. AHIHIHIHII.. AHI—AHII!" Tawanan na namang muli sina Buboy at Dodong. Naiinis na ko sa dalawang 'to. Parang di nila kaibigan 'yung nadapa. Sarap batukan! Kaso wala naman akong magawa kasi hindi ko naman sila close. Maya-maya sabihin pa nilang gusto ko si Joey dahil pinagtatanggol ko.
"HAHAHAHAHAHA! AHI—AHII! SI JOEY TANGA! AHI-AHIIHIHIIIII!!!"
Paulit-ulit lang ang pang-aalaska ng mga kaibigan niya. Umalis na ko dahil baka makita pa nila akong tatlo na pinagtitinginan sila. Bumalik ako ng classroom namin. May klase na kasi kami. Tinatamad nga sana akong pumasok sa klase na iyon kaso no choice, may exam kami.
Sinalubong ako ni Rhea sa may pintuan ng classroom. Nagtaka ako kung bakit nasa labas pa siya gayong wala namang tao sa hallway kundi siya lang. "Huyyy! Anong ginagawa mo dito?" Sumenyas ako ng pabulong at payuko akong lumakad papalapit sa kinaroroonan niya dahil nakita kong naroon na ang professor namin sa loob ng klase. Mabuti na lang may ekstrang upuan sa labas kaya umupo rin ako sa tabi niya.
"Wag ka nang pumasok, hindi ka na rin papapasukin ni Sir. Mapapahiya ka lang." paalala ni Rhea sakin. Muli na naman akong nagtaka dahil 5 minutes pa lang naman akong wala sa klase. Sabi sa school rules, 15 minutes bago ma-consider na late.

BINABASA MO ANG
It's a Love Story
ChickLitCompilation of One Shot Stories (Random) The stories inside will be publish into two books: Book 1 - LOVE BITES (SELF-PUBLISHED) Book 2 - CHERISH LOVE (SELF-PUBLISHED) A Girl's Point of View.