Chatters Love Story

84 13 0
                                    

Chatters Love Story

Day 1

Thuglord: Hi

Lady Queen: Hello

Thuglord: Nasl mo?

Lady Queen: 14, female, Manila

Day 2

Thuglord: Sali ka sa clan namin.

Lady Queen: Anong clan? Sige po.

Thuglord: Finest Chiccano and Chiccana, maganda sumali samin! Ano go ka?

Lady Queen: Sige sige, sabi mo ehh. Anong number mo?

Thuglord: 0926*******

Day 3

Thuglord: Alam mo crush kita?

Lady Queen: Ako? Bakit?

Thuglord: Ang sarap mo kasi kausap tapos ang ganda mo pa. Pwede bang tayo na lang?

Lady Queen: Sige ikaw bahala.

Bigla ko lang naalala kung saan kami nagsimula ng taong pinakakamamahal ko. Diyan sa Chatter world. Ano ba ang chatters? Wala pang Facebook, Twitter at Instagram na sobrang nauuso noon, pero meron nang Yahoo Messenger, MSN at Friendster na kinaa-adikan naming kabataan. At diyan nga kami nagkakilala sa chat. Katulad lang din siya sa clan na makikipagtext ka, o tawag, dito naman makikipag-chat ka. Pwede ka din namang tumawag at mas okay din kung gagamit ka ng webcam para makita ka ng taong kausap mo. Dito din nabubuhay ang mga jeje'ng tulad ko. Pero hindi pa jejemon ang tawag noon. Basta sa mundong ito, madaming gangster, rapper, band, o kaya dancer, at kung sino-sino pang naglipana. Pero kadalasan mga gangster ang nandito sa chatter world. Mga gustong sumikat at makilala ng karamihan kaya ang hilig makipag-basag-ulo.

Dito ko nakilala ang forever ko. Sobrang saya ko nun kasi nga nakilala ko ang tulad niya. Hindi pa man kami nagkikita personally pero iba talaga ang feelings ko sa lalaking ito. Feeling ko talaga siya na. Kaya nga siguro sinagot ko siya agad kasi alam ko sa sarili kng gusto ko din siya. At habang lagi kaming magka-usap mapa-Friendster man o Yahoo Messenger, lalo lang lumalalim ng lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.

Nag-decide kaming sumama sa isang eyeball, general eyeball yun kasi maraming pupunta. Sa isang mall kami nagkikita-kita tapos alam na ang kasunod, inuman na sa bahay ng kung sino mang pwedeng matuluyang bahay at kung sinong magpapainom. Ang daming tao ng mga araw na iyon at hindi ko pa din siya nakikita. Hindi ko kasi kabisado ang mukha niya. Minsan kasi nakakadaya yung mga pictures, akala mo ganito itsura, iba pala sa personal.

"Ahh miss, kanina ka pa diyan?" may nagtanongsakin na isang lalaki.

"Ahh hindi po. Medyo kanina pa." tugon ko. Wala din akong kasama ng mga araw na iyon. Actually first time ko ding um-attend sa eyeball dahil nga nagplano kami na magkikita ngayon.

"Ikaw ba si Lady Queen? Ako 'to si Thuglord." Pagpapakilala niya sa sarili. Hinuba dniya 'yung suot niyang shades. Maputi pala siya. Gwapo at chinito. Nakasuot siyang pang-porma ng gangster na loose ang shirt and shorts. Ako naman nakapang-leggings at naka-tube pero may kasamang blazer. Kahit papaano ay hindi naman ako flirt na babae. Pero ang nakakatawa, akala ko kasing laki ko lang siya-- hindi pala. Mas matangkad siya sakin kasi hanggang balikat niya lang ako.

Dito na nagsimula ang pagmamahalan naming dalawa. Ilang buwan ang nagtagal kasama ko siya. Sobrang gaan lalo ng pakiramdam ko sa kanya. Mahal ko na talaga ang lalakeng ito. Hindi niya ko iniiwan kung saan ako pupunta, binibilhan niya ko ng kung ano-ano kahit hindi ko naman hinihingi sa kanya at kung ano-ano pa. Mga efforts na sobrang ikatutuwa ng mga babae at nakakasiguro akong mafa-fall ang kahit na sino. Bonus na lang kasi gwapo din siya talaga.

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon