Ultimate Crush

103 14 2
                                    

Ultimate Crush

This day is damn so bad! Paano ba namang hindi, pinagalitan kami ng teacher naming sa Filipino. Actually hindi naman ako kasama dun pero dahil kagrupo ko 'yung may sala, ayun, damay ako. Nakakainis nga e. Kasi pinalabas kami sa tapat ng classroom namin. Syempre dun lang kami. Wala kaming grades sa group activity at wala din kamig attendance and quiz for today. O diba nakakaasar. Sana hindi na lang ako pumasok. O kaya naman sana hinayaan na lang kaming gumala-gala sa hallway.

"Nakakainis naman si Ma'am!" saad nung kaklase ko. Lima kaming napalabas ng classroom dahil sa grupo naming lalake. Dalawa silang pasaway. Letse sila!

"Kasalanan kasi ng mga ito ehh." Sabat naman 'nug isa sabay pinaghahampas 'yung dalawang lalaking kasama namin na sila naman talaga ang may sala.

"La? Bakit kami? Hindi kaya! Tinatanong kayo ni Ma'am kung tapos na 'yung gawa natin diba?" depensa nang kaklase naming lalaki.

"Hindi pa nga e! Kasi ang ingay niyo! Wala man lang kayong tinutulong sa activity naten."

"TAMA NA NGA!—" awat ko sa kanilang apat. Naririndi ako sa kanila samantalang wala na rin namang silang magagawa kasi napalabas na nga kami ng classroom. "May magagawa pa ba kayo? Baka lalo lang tayong mapagalitan kapag nag-ingay pa kayo diyan."

Tumingin ako sa katapat na room namin. Kitang-kita ko ang ang ginagawa nila since open 'yung door at open din yung mga bintana. Sira-sira pa 'yung ibang parts ng bintana kaya open talaga. Nakita kong nagkaklase doon si Sir Ryan, teacher namin sa Math dati. Tiningnan ko 'yung mga studyante niya. Lahat bored nabored. Natatawa ako kasi nga syempre Math, mahirap naman talagang ipasok sa kokote 'yun. Kahit ako. I hate Math. Ayy hindi naman pla, medyo lang. May mga parts lang sa Math na gustong-gusto ko at madali kong nage-gets.

Nabigla ako nang makita kong lumingon 'yung crush kong si Dave. Super ultimate mega hyper crush ko talaga ever since when I was in High School. Fourth year na ko ngayon at siya naman ay Fifth year. Kakaiba yung school namin diba kasi may fifth year. Well.. Ewan ko ba sa private school na 'to. Palibhas kasi advance talaga ang tinuturo compared to other schools. If I'm not mistaken, isa ito sa mga kinikilalang school sa Pilipinas. Kumbaga low quality lang ang establishment pero high quality ang facilities at high standard ang education. O diba? Kaya maganda kasi brainy lahat ng mga tao dito. Hehe. Hindi naman sa brainy, kumbaga average lang, walang below average and poor. Kaso ang nakakainis lang, instead na graduate na ko, at first year na next year, maghihintay pa ko ng isang taon. Shocks! Tiis ganda!

Going back to Dave, crush ko nga siya talaga. Hindi ko alam kung bakit na-attrack ako sa kanya nang bongga. Parang may pinakain siyang something sakin na hindi ko alam kung ano. Hihi. Landi ko. Naging crush ko siya nung naita ko siya one time na tumutugtog sa backstage. Marunong siyang mag-drum at mag-gitara. E sobrang attracted ako sa mga lalaking ganun. Tapos nalaman kong singer din siya kasi siya 'yung lead vocalist 'nung nagperform sila sa stage nang minsa'y may program kami sa school. Kaya ayun.. Pero hindi niya alam na crush ko siya ha? Tama nang ako lang ang nakakaalam at ang mga trusted friends ko.

Ngumiti siya sakin at tumiyempo pa ng pag-kaway. Nagulat naman ako sa ginawa niya at sumenyas pa ko kung ako ba yung kinawayan niya. Tiningnan ko ang likuran, kanan at kaliwa ko pero wala namang ibang nakatingin sa tinitingnan ko kundi ako lang. Abala 'yung mga kasama ko sa kung ano-ano pero lahat naman kami ay nakaupo. 'Yung dalawa babaeng kasama kong napalayas sa room, nagbabasa kunwari ng books pra behave. Haha. Naks! Tapos 'yung dalawang kaklase ko namang lalaki, tamang luting lang. Tulala at hinihintay ang pag-bell paratapos na ang pag hihirap? So ako nga lang yung bukod tanging nakatingin sa may harang na butas-butas, a tumatagos sa bintana ng katapat naming room at sa mismong kinauupuan pa ni Dave. Shocks! Ohhhmayyyygoodnessss! Am I dreaming?

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon