Gayshit Crush

83 13 3
                                    

Gayshit Crush

First day of school na naman ngayon. Nandito na ko sa school. Yes! Finally Grade 9 na ko. Hindi ko akalaing ang tanda ko na pala. Haha. Biruin mo, napag-kaya akong pag-tiisan ng nanay ko mula Grade 1 hanggang Grade 9? In fairness naman sakin, hindi ko naman siya binigo. Bonggang-bonggang pag-aaral kaya ang ginawa ko. Naging top pa nga ako sa klase eh. Sa loob lang naman ng klase since hindi ko kaya makipag-compete sa iba kong kaklase. Ang tatalino kasi nila e. Lugi ang I.Q. ko.

"Uyyy friend!!!" sabay hampas ko sa balikat ni Hazel.

"Uyyyyy!!!" gulat naman niyang sabi. "Magka-klase pala tayo.." sabay hampas din sakin sa braso. Nagtawanan pa sila ni Marie.

Si Hazel at Marie. Mga kaibigan ko sila nung elementary. Same school parin kami nung high school pero hindi ko sila naging kaklase 'nung Grade 7 and 8 pero ngayon magka-klase na ulit kami. Small world. Nakipag-daldalan lang ako ng nakipagdaldalan sa mga kaklase ko, kasi bukod sa madaldal ako, ayoko lang ma-bored. An gaga-aga pa kasi kaya medyo antok pa ko 'nun kaya nililibrang ko ang sarili ko. Wala padin masyadong ginagawa kasi nga kakapasok pa lang naming. Unang araw ng klase.

Maya-maya pa, naramdaman kong may kumalabit sa akin. Isang beses lang yun pero hindi ko pinansin. Hanggang sa padami na nang padami at padiin nan g padiin yung pag-kalabit niya sa akin. Busy nga ako sa pakikipagdalalan. Wag nga kayo! So dahil naii-interrupt niya ang pakikipag-daldalan ko. Inis kong nilingon kong sinong kumakalabit sa likuran ko.

"ANO BA!!!!!" bulyaw ko sabay lingon sa likod. Nagulat naman ako kasi hindi ko pala kilala ang kumalabit sakin. Akala ko yung mga kaklase ko lang dati na nangungulit sa akin.

"Ahyy soryy.." bigla kong nasabi sabay alis sa upuan. Sa sobrang kadaldalan ko, nakaupo na pala ako sa kinau-upuan niya. Nadaganan ko din pala 'yung bag niya na nakasandal dun kaya inayos ko na din. Nakakahiya. Gosh! Ang daldal ko sobra. Pero sana patawarin ako ni Kuya. Ang pogi niya. Ang sarap niyang titigan kasi ang cute niya. Kamukha siya ni Kim Bum na Korean actor. Sana maging close kami soon. Hihi.

FASTFORWARD –

Dumating 'yung araw na madami na kong naging close sa mga kaklase ko. Konti lag yata yung mga nalipat na galing sa ibang section kasi halos silang lahat magkaka-kilala samantalang ako, nagingilala pa lang. Syempre inalam ko din yung pangalan ng crush ko na naupuan ko 'yung silyang kinauupuan niya pala. Epic din 'yung pagkakadagaan ko sa bag niya, piping-pipi kasi e.

Siya pala si Dao Ming Si, hindi si Kim Bum. Etchos! Dominic. Ohh diba? Papa-bles na papa-bles talaga ang datingan. Pangalan pa lang alam nang pogi. Anyway, ang gwpo niya talaga Palagi ko na lang siyang pinagmamasdan kahit sa malayuan. Kapag nangiti siya, kapag natawa, kapag nakikipag-usap siya sa kahit na sino lalo na sa barkada niya, at kapag seryoso siya. Minsan nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Lumapit ako sa kanya at nilandi siya ng bongga. Joke! Kinausap ko lang si Dominic.

"Anong binabasa mo?" tanong ko sa kanya.

"Ito? Wala lang. book." Tipid niyang sagot. Hindi niya man lang tiningnan kung sino kausap niya.

"Ahh.. Ako kasi nagbabasa ako ng mga stories sa Wattpad."

"May account ka dun? Nagbabasa din ako 'nun!"

"Meron. Binabasa ko 'yung mga gawa ni Sir Reyan. Ang galing niya kasi e!"

"Ahh. May nabasa na kong gawa niya pero gawa ni Marcelo Santos ang binabasa ko." Tugon niya sabay sarado ng book. Tiningnan niya ko sabay bawi ulit ng tangin. "Nakaka-istorbo ka sa binabasa ko. Dun ka muna!"

It's a Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon