I Wont Stop Choosing You
Kasagsagan ng ulan ngayon, ang boring at nakakatamd gumalaw. Tama nga sila na kapag malamig, nakakatamad maligo. Hehe. Tanghali na pero nandito parin ako sa kama ko. Ayokong Magki-kilos at gumalaw ng gumalaw kasi nga nakakatamAD. Kaya oo, sige na, hindi parin ako naliligo. Okay lang yan. Wala namang aamoy. Wala naman 'yung boyfie ko.
It's been a year mula 'nung niligawan niya ko. Grabe hindi ko alam na sa kanya ako babagsak. Ewan ko ba pero siguro nga ganun ang love. Hindi moa lam kung kalian ka bubulagin ng pag-ibig. Hindi moa lam kung kelan tatami sayo ang ipinana ni kupido. Hindi mo rin alam kung sino 'yung taong nakalaan para sayo. Hindi ka pwede mamili dahil hindi mo din alam kung kalian ka magiging handa pagdating sa pag-ibig. Nasasabi ko ang mga ito dahil matagal din akong nawalan ng boyfriend bago siya dumating sa buhay ko.
Akala ko tatanda na kong walang forever e. Hehe. Choosy kasi akong tao. Sabin g mga kaibigan ko, ang dami namang naliligaw sa akin pero kahit isa sa kanila wala akong sinasagot. May mga nag-i-insits na maghihintay daw pero hindi ko naman sila pinapaasa. Sila lang 'tong umaasa na balang araw magiging girlfriend nila ako. Dati kasi flirt ako. Hindi naman sa proud ako pero inaamin ko. Medyo bata-bata pa kasi ako nun. Go on the flow lang at kahit sino sinasagot ko. Pwedeng dahil gusto ko 'yung guy, pero madalas dahil lang sa sulsol ng mga tropa. 'Yung feeling nasasabihan ka na "Sagutin mo na! Bagay naman kayo eh!" .Akala mo binibugaw nila ako nang ganun ganun lang. Tapos 'nug nanawa ako sa ganung Sistema, tinigil ko na. Sabi ko gusto ko nang seryosohan. Pero hindi ko alam kung bakit wala akong mapili sa mga nangliligaw sakin e. Yung iba nga sa kanila ang tagal na naghihintay pero nganga padin. Hindi ko trip e! Ayokong ipilit 'yung sarili ko. Hanggang sa dumating na 'yung araw na sa ibang tao ako nahumaling, at 'yun nga 'yung boyfriend ko ngayon.
Nag-sa-soundtrip lang ako ngayon. Pinapakinggan ko lang 'yung favorite song naming ng boyfie ko na Nothing's Gonna Stop Us Now. Ang ganda ganda kasi nang kanta. Nakaka-LSS. Sumakto pa 'yung movie ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Cazy Beautiful You. Naala ko nung pinanood namin dalawa 'yun ng boyfie ko, tuwang-tuwa ako kasi first time niya kong yayain makipag-date. 'Yung date na siya 'yung nagyayaya at siya 'yung nag-effort sa lahat ng bagay. First anniversary din kasi naman 'nun! Hihi.
Masasabi ko kasing hindi ma-effort ang boyfie ko. Hindi siya 'yung katulad nang ibang lalake na showy in public. Hindi siya ganun. Sobrang nirerespeto niya ko. Kahit pa nga akbay o holding hands hindi niya ginagawa sakin. Hindi sa dahil bakla siya pero nahihiya lang siya talaga sakin. Kaya ang kapag ganun, ako na yung nagsasabi sa kanya na hawakan niya 'yung kamay ko, o kaya yakapin niya ko o di kaya naman ako na lang 'yung unang nag-mo-move para sa kanya. Para mapanatag din siya. Kalandian na bang matatawag 'yung ginagawa ko? Wala naman sigurong masama dun diba? Girlfriend niya ko so okay lang na maging clingy ako sa boyfriend ko. Buti nga as times goes by, medyo nababago na niya 'yung ganung pag-uugali na sobrang torpe at hindi showy. Kaya lang paminsan-minsan lang, tumitiyempo sa mood. Hehe. Buti na lang tyempo at nag-effort ang loko na i-date ako 'nung first anniversary namin.
Hindi ko maiwasang kiligin habang binabalikan ang dati. Hindi ko akalaing madami kaming pagsubok na nalagpasan. Marami na kaming pinagsamahang away, tampuhan, saya at kung ano-anong events sa buhay naming dalawa. Nandyan pa 'yung dati na hindi okay ang pamilya ko sa kanya. Pero wala siyang ipinakitang masama at hindi siya huminto. Siyempre sinuportahan ko siyang magpa-goodshot sa pamilya ko. Hindi na kasi nag-aaral si Jasper/boyfie. Pero baka daw this year, mag-ALS siya para ma-accelerate at maging college na. Samantalang ako graduating na sa college sa mamahalin at bigating eskwelahan. Hindi naman gwapo si Jasper pero siya lang ang gwapo sa paningin ko. Hihi. Bumbayin ang mukha niya pero maputi ngunit hindi rin naan siya matangkad. Samantalang ako, maganda daw ako sabi nila. Halos lahat kasi ng mga naging boyfriend ng kaklase at kaibigan ko sa amin, ako muna ang niligawan bago sila. Hindi ako nagmamaganda ha? Pero totoo lang. Ako nga 'tong nagsasabi sa mga nanliligaw sakin na ibaling na lang sa iba o kaya sa mga kaibigan ko, yung pagtingin nila sakin. Sabi nga nila, "it is better to give than to receive", Ayun nga ginagawa ko. Haha.
![](https://img.wattpad.com/cover/40466899-288-k65592.jpg)
BINABASA MO ANG
It's a Love Story
ChickLitCompilation of One Shot Stories (Random) The stories inside will be publish into two books: Book 1 - LOVE BITES (SELF-PUBLISHED) Book 2 - CHERISH LOVE (SELF-PUBLISHED) A Girl's Point of View.