Billy the Bully
Nasa classroom ako ngayon habang binabasa ko 'yung mga notes ko. Kailangan ko kasing mag-review para sa exam namin sa Araling Panlipunan. Nakakaloko 'yung mga dates. Halos hindi ko matandaan dahil sunod-sunod ang mga date tapos sinauna pa, panahon pa ng kopong-kopong.
"Hi Okay ka lang?" nakita kong lumapit sa akin ang isang classmate ko na lalaki. Hindi ko siya kilala since transferee lang ako dito sa school na pinapasukan ko ngayon. Pero good thing kasi nasa Star Section ako. Ayokong mapunta sa mga magugulong kaklase. Baka hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral.
Tumango ako sa kanya at ngumiti bilang pagsang-ayon. Mukhang na-gets naman niya ang nais kong iparating. Akala ko aalis na siya dahil nakita kong umalis na siya mula sa aking likuran ngunit tumabi pa siya sa kinauupuan ko.
"Buti nakakabisado mo lahat 'yan!?" hirit niyang tanong sakin. "I-recite mo nga sakin taba!" Hindi ko alam kung maaasar ako sa kanya pero hindi ko na lang pinansin. At ganun nga ang ginawa naming dalawa, tinatanong niya ko habang ako naman an sumasagot.
"Ohh ikaw naman.." saad ko. "Hindi k aba magre-review?"
"Hindi na.. Papakopyahin mo na naman ako diba? Sige na taba.." pang-aasar niya. Doon na nagsimulang uminit ang ulo ko sa kanya.
"ANO!?" asik ko sa kanya.
"Ayy ano pala, ano bang pangalan mo?" nakatingin lang siya sa akin at akmang makikipag-kamay. "Billy nga pala... Billy the Great pogi!"
P-um-ose pose pa siya na akala mo pogi. Ooopppss! Pogi nga din pala siya. Denial lang ako kasi sinasabihan niya kong mataba. Hindi ako matapa, chubby lang kasi ako kaya napagkakamalang mataba. Ayoko pa naman ng nasasabihan ng ganun kasi lalo akong nako-concious.
Hindi ko siya kinamayan dahil pero sinabi ko parin ang pangalan ko. "Althea.. Althea Mae Carino."
"Ahh nice name! Kaso di bagay sa taba mo. HAHAHAHA." Pang-aasar niyang muli. "Pakopya ako ha!?"
"TSEEE!!!" sabay irap ko sa kanya. Ang kapal naman ng mukha 'nun. Matapos akong asar-asarin, ang lakas pa ng loob na pakopyahin ko daw siya. In his dreams! Dumating na ang teacher naming sa AP at nagsimula na ang test namin. Frist quarter pa lang at nakakadalawang topics pa lang kami, may long test na agad. Oha, san ka pa!?
Ilang araw pa ang nagdaanan, napapadalas na ang pang-aasar sakin ni Billy. Nakakainis kung alam mo lang! Hindi ko alam kung paanong napunta yun sa highest section gayong hindi naman siya matalino at hindi din mataas ang nakukuha niyang mga marka. Actually naitanong o na nga iyon sa teacher ko. May close kong teacher naming na dalaga pa, I mean, matandang dalaga. Sabi niya, inilipat daw doon si Billy para maiba ang environment kasi mas nagiging malala siya pag nasa lowest gayong nakikita naman nila ang potensyal ni Billy kapag tinututukan. Unfair naman yata 'yun para sa iba pero sabi ni Ma'am sakin, ganun din daw ang ginawa nila sa ibang estudyante. Nagkataon lang na si Billy nga ang napunta sa section namin. Pero sa nakikita ko, parang hindi naman siya magtitino.
"Hoyy anong ginagawa niyo diyan!?" tanong ko sa kanila nung makita kong nagkukumpulan silang mga lalake sa likuran. Bigla naman silang nagkalas-kalas nang makita nila akong nakapamewang sa kanila.
"Ahhh wala lang 'to taba." Untag ni Billy. Pwede bang wala yun? Nagkukumpulan sila ibig sabihin may ginagawa sila. At sure akong hindi maganda. "Anong wala? Susumbong ko kayo kay Ma'am!"
"HALA!? Bakit mo kami isusumbong, e wala naman kaming ginagawang masama?" tutol nang isa kong kaklase. Hindi naman ako agad nakapagsalita. Ang totoo niyan wala naman talaga akong nakita. Feeling ko lang kasi may kakaiba sa mga ikinikilos nila.
BINABASA MO ANG
It's a Love Story
Chick-LitCompilation of One Shot Stories (Random) The stories inside will be publish into two books: Book 1 - LOVE BITES (SELF-PUBLISHED) Book 2 - CHERISH LOVE (SELF-PUBLISHED) A Girl's Point of View.