Loving My Imperfections.
Ako na siguro 'yung pinaka-malas na tao sa earth. My life is miserable at parang gusto ko nang saksakin ang sarili ko dahil napaka-worthless ko. Actulayy, I did. Yes I did it many times. Hindi ko na nga yata mabilang kung ilang beses na kong naglaslas sa kamay. Ilang beses na din akong nagbalak mag-bigti, pero epic failed lagi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon buhay parin ako. Siguro my purpose si God kung bakit. Pero ewan ko, itong itsura kong 'to?
Mataba kasi ako, tapos panget pa. Bata pa lang ako madalas na akong laitin ng mga kapitbahay namin. Wala nga yatang gustong makipaglaro sa akin. Kaya yung confidence ko? Imbes na tumaas, hindi yata lumebel sa kahit man lang hanggang tuhod ko. Hindi ko na kasi makayanan ang mga panlalait na sinasabi ng mga tao saken. Bukod sa mataba ako na panget, madami pa kong tigyawat. Kung parang text lang 'yun nga tigyawat ko, sasabihin nilang "No space for new pimples". Kahit yata sa ulo ko merong nakatago kasi sumasakit pag sinusuklay ko. Aside from that, kulot din ang buhok ko na parang Sto. Nino tapos ang taba at ang liit ko pa. Nai-imagine mo ba ang itsura ko? Better not to do it na lang kasi kahit mismong ako, hindi ko rin gusto. Hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang itsura ko. Lahat siguro ng kapangitan taglay ko na. Noong nagpa ulan si God ng kagandahan nasa kusina suguro ako, lumalamon. Siguro kung makikita ako nang kahit na sino, lalaitin lang ako, kukutyain, pagtatawanan at kung ano-ano pang pwedeng magdala sakin sa kahihiyan.
Nasa higaan ako habang nagre-reminisce ng mga masakit na pangyayari sa buhay ko. Ang dami na din pala. I've been there for almost entire of my life. Hinding hindi ko makakalimutan 'yung araw na pinarusahan ako nang teacher ko noon sa klase niya. Second year high school ako 'nun that time at bigla na lang niya kong sinama sa mga paparusahan niya. Nagulat ako kasi wala naman akong ginawang mali o kahit na anong bagay na ikakadismaya niya.
"Bettina!"
"Po?!" gulat kong sabi.
"Sumama ka sa kanila! Dun kayo sa labas ng pinto. Remain standing hangga't hindi natatapos ang klase ko."
"Pero Ma'am--" I tried to ask kung bakit kasama ako sa paparusahan niya pero inunahan na niya kong magsalita.
"Just follow me or else mas mahirap ang parusang ibibigay ko sayo!"
Ilang beses kong inisip kung ano bang nagawa ko 'nung mga oras na iyon. I'm just reading the book. Hindi naman ibang libro 'yun dahil para sa subject niya ang binabasa ko. By that time, I realize that I was like a virus, na nakakahawa at dapat iwasan.
May times pa nga dati na kapag group work ako lagi yung walang group. Walang may gustong isali ako sa grupo nila. Madalas sinasabi nila na kumpleto na sila kahit pa naman. O kaya naman, wala daw akong maiaambag sa grupo nila. Hindi naman ako bobo, sadyang panget lang talaga ako. Alam ko naman. Aware din naman ako kahit masakit para sakin. Kaya nga, I prefer to do the activity alone. Sanay na naman akong mag-isa eh. Ever since ganun naman lagi ang sistema ng buhay ko.
Have you ever experience these kind of discriminations? Yung nirereject ka because of your physical appearance. Parang nilalamon ka ng lupa tuwing makikita ka nilang dadaan tapos 'yung mga tao sa paligid mo tatawanan ka, pag bubulungan ka. Sanay na ako dun. Bagay nga sakin ang pangalan ko, para akong si Betty La Fea na may pagka-Bakekang. Kinabog pa ni Kiray yang beauty ko.
Dahil sa mga ganitong pangyayari sa buhay ko, naging manhid na ko sa pagiging judgemental ng society. Para akong tinusukan ng sampung anesthesia sa sobrang pagka-manhid. Tanggap ko naman na kahit siguro sa kategorya ng hayop mahihirapan sila kung saan ako ilalagay. At syempre hindi narin ako umasa at nagpaka ilusyunada na magkaroon ng lovelife dahil sa itsura kong 'to, isang himala nalang siguro.
BINABASA MO ANG
It's a Love Story
ChickLitCompilation of One Shot Stories (Random) The stories inside will be publish into two books: Book 1 - LOVE BITES (SELF-PUBLISHED) Book 2 - CHERISH LOVE (SELF-PUBLISHED) A Girl's Point of View.