Nagpatuloy ang operasyon ng RCG sa mga nag daang taon. Ilang taon naming tinrabaho ang magbigay ng seguridad sa mga malalaking tao para umabot kami sa gobyerno.
Alam kong komplikado pero sa ganitong paraan namin gustong gawin ang trabaho namin. Bukod sa pagsusupply ng legal na war equipments sa iba't ibang bahagi sa bansa, nakakuha ng koneksyon sila Kram na pwede magbigay samin ng bagong trabaho.
Nasa opisina ako sa hideout ngayon, ngayon din ang uwi nila Jannah galing sa isa pang quarters ng RCG. Maagang umalis sila Rexanne kasama nila Hera at Prime para ilabas ang mga bata.
Hindi rin maganda na nakikita nila ang operasyon ng RCG araw araw. Sa mga nagdaang taon, tahimik naman kami. May pa-ilan ilan na problema sa operasyon, may mga nakakalaban padin pero hindi na noon na buhay ang mga Emperors.
Hindi ko alam kung may natira pa ba sakanila na pinili narin ang legal at tahimik na buhay o meron parin at nananatili lang sa anino. Handa naman kami.
We are trained to be ready. Sa kahit anong unos, sa gera o sa buhay.
"Arvie, nasa condo na daw si Jannah at masama parin ang pakiramdam.."
Pumasok si Nhicka sa loob ng opisina ko. Nag-angat pa ako ng tingin sakaniyang buong katawan bago mag-taas ng kilay.
"Ano nanaman!?" sigaw niya habbang naglalakad papalapit sa blinds at ina-angat ang mga ito.
"San ka kagabi ha?" asar ko sakaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Anong saan?! Nasa condo ako kagabi, malay ko bang dito ka matutulog?" iritable niyang sagot.
"Hindi kayo lumabas ni Jake?" pang-aasar ko pa.
Oh c'mon! Saturday night kagabi, sinong hindi lalabas? Kung wala lang kaming dinner nila Mama malamang nasa bar kami nila Cads kagabi at lasing na lasing.
"We had dinner, Arvie. Tigilan mo nga ako, ang aga pa ha!"
Natawa ako sa sobrang bwisit niya. Umupo siya sa harap ko at nilapag ang mga papeles.
"Tapos na ang kontrata ni Mr. Tan sa atin, nai-turn over na sa awtoridad ang mga sangkot sa pagbabanta sakaniya. Nothing suspicious, mga kalaban parin sa negosyo."
"Nakaalis na ba?" tanong ko habbang binabasa ang mga papel sa harap ko.
"Kahapon. Nakumpirma na rin nila ang pag lapag niya sa Singapore. Ligtas na siya don, depende nalang kung susundan siya ng mga iyon hanggang Singapura."
"They can't do that anyway, baka bago pa sila makalapit kay Mr. Tan naharang na sila sa border." dagdag niya pa.
Pinirmahan ko na ang ibang papeles. Pero napahinto ako ng maramdaman ang katahimikan ni Nhicka.
"Ano nanaman iniisip mo, bruha?" tanong ko ng hindi siya nililingon.
"Isn't it weird that for the past years wala na tayong balita sa Emperor? Wala sa system, wala tayong mahack na accounts or even intel about it, wala. Is it safe to say na wala na talaga?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Should I agree with her that maybe..maybe after all these years it has finally ended? Na kasabay ng pagkawala ni Yanna ay ang pagkawala na rin nila?
"We can't let our guards down. I want to say yes, na baka tapos na nga. Pero parang hindi ako matatahimik. Ask Kram to check on it again. Ayokong magkagulatan nalang tayo dito."
"Ilang taon nang binabantayan ni Kram iyan, lahat ng resources na pwede niyang pagkuhaan..pero wala. Our men are starting to believe that the feud between the tEmperors have finally come to an end."