Lumipas na ang anim na oras pero nananatiling unstable si Himig.
Hindi na kami mapakali. Si Julia ay nailipat na sa isa pang kwarto pero nananatili ang pagbabantay sakanya dahil pabago bago ang kondisyon niya. Nakaramdam ako ng mainit na yakap mula sa likod ko..
"Baby? You need to eat, it's almost dinner time." Bulong niya sa tenga ko pero napailing ako.
Hindi ko ata kakayanin na may mangyaring masama sakanila. Nahihirapan ako.
"They'll be fine. I booked our flight pauwi ng Philippines, you need to rest. Japan is stressing you out." Dagdag nya pa na ikinainit ng ulo ko. Ayokong kumain hangga't hindi sila okay pareho.
Umiling ako bilang tugon kay Stephen, walang uuwi sa Pinas. Ilang minuto ang lumipas at tumunog ang cellphone ko. Si Polo..
"Updates?" Bungad nya sakin sa phone.
"Stagnant." Naramdaman ko ang disappointment sa lalim ng hininga nya.
"She'll be fine. Kamusta ka? Bumalik na kayo ng Pinas, Jannah. Maraming kailangang asikasuhin dito." At binaba nya na ang tawag.
—————-
"Boss, 10 percent lang ang ini-increase ng Yuriya in the past 3 months. Mas mababa to compare sa increase rate natin last year."
Napakagat ako sa dulo ng pen na hawak ko. Hindi pwede, ganon naba ako ka-busy para di mamalayan to?
"Hindi naman natin ikakabagsak to, pero pag magpatuloy to maaaring—" dagdag nya pa pero tinapos ko na sya don.
"Cut it right there. Send me all the files for this month's report and check the departments, there must be an explanation to this. I need the copy of everything in my table, 9am tomorrow morning."
Tumayo na ang lahat at nagumpisa ng magpaalam para lumabas ng conference room. Naiwan akong magisa habbang iniiscan ang ibang natitirang papeles sa na nakalatag sa lamesa.
Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng mga trabahong natitira dito. I want to atleast have a rest day pero mukhang hindi ko rin kayang iwan ang Yuriya sa ganitong estado.
This is the reason why I need competent people in this company para hindi ko na pinoproblema ang mga ito, yet here I am.
I took out my phone and called Arvie..
"Kuya, you need anything?" she asked.
"I would like to inform you about our dinner tonight. Nakaalis na sila Dad sa Cebu."
"Oh! I forgot, busy lang sa work. I'll call you later pag paalis na kami ni Cads. See you."
She ended the call. Hinilot ko pa ang sentido ko sa sakit ng ulo. I started reading all the files in front of me when I received another call from somewhere.
It wasn't a local number..it was registered somewhere far.. overseas.
I answered the call pretending to have everything in control pero this is new. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Parehas nag aabang ng sasabihin.
"It's been a while, Clarence." the voice echoed in my ears. Napangisi ako sa bungad niya.
Sumandal ako sa swivel chair at huminga ng malalim.
"I still have a few months left, masyado ka namang naiinip.." I chuckled.
"I want it done in the scheduled time frame, Clarence. Pinuruhan nanaman nila ang mga tinanim ko sa loob. " inip at iritadong sagot niya sakin.
I know this one. I've heard it.
"Do you expect them to just chill? Malalaking tao na ang hawak nila, we won't fit this job if we're not the best in this country. The government needs us more than we need them.." I said as a matter of fact.