Pang anim

70 3 0
                                    

Maghapon naming hinahanap si Rexanne sa buong hideout. Sinabihan siya ni Cads na manatili sa quarters at wag lalabas don hangga't hindi siya pinapatawag.

"Arvie, ano? wala pa?" natatarantang tanong ni Jannah. Umiling ako at isa-isang sinipat ang mga monitor sa loob ng opisina ni Kram.

Lumabas siya ng alas dyis ng umaga, tumakbo papunta sa kusina ng hideout. Nag-ikot ikot lang siya don, huling nahagip siya ng CCTV ay sa garahe bandang alas onse y media.

This is the first time that she went missing here in the hideout. Palagi kaming pumupunta dito, para sakaniya rest house ang lugar na ito. She's 4years old now, familiar na siya sa mga iilang kwarto dito sa RCG.

"Hanapin niyo na!" Polo's voice thundered in the whole room. Aligaga ang lahat kakahanap.

"I told you it's a wrong idea to bring her here." usal ni Nhicka na nakatutok sa malaking screen.

"Hay nako, iyang ama niya ang sisihin niyo. Sinabi ko na kasing maiiwan na sa condo yan eh."

Masama ang tingin na ibinato sakin ni Polo.

"Nasa warehouse siya don huling nahagip ng CCTV! Puno ng dugo yung damit!" sigaw ng isang RCG member sa hallway.

Nanlaki ang mata ko at halos habulin ang hininga. Para kaming hinahabol ng kung ano sa sobrang bilis namin tumakbo.

Napakadilim sa warehouse at halos wala ng tao don dahil lunch na.

"Open the door!" sigaw ni Polo sa mga nasa warehouse.

Nanginginig ang kamay nang tauhan habbang binubuksan ang automated pull-out screen ng warehouse. Nang umangat ng onti ay yumuko ako para makapasok kahit na hindi pa bukas ng tuluyan ang pinto.

Tumakbo din si Polo at bigla pa kaming nagsisisi na sana ay hindi nilakihan ang warehouse na ito. Hindi namin alam saan kami maguumpisang maghanap!

"Rexanne!"

"Anak, daddy's here!"

"Rex!!!"

Kanya kanyang sigaw kami.

"Search the area!" sigaw ni Jake.

"Saan mo nakita?" tanong ni Nhicka sa taong nagsabi na nasa warehouse.

"Dito lang huling nakita bago idineklarang nawawala." sagot nito.

Hindi iyon magtatago dito sa warehouse dahil madilim dito. She must have been somewhere, baka dito lang dumaan? Takot siya sa dilim.

"Wala siya dito.." usal ko na nakapagpahinto sa iba.

"Madilim dito, hindi siya pupunta dito." ulit ko.

She likes cars and war technologies these days. She is a very smart kid, always curious. She loves coming with us every time we go here because she find this place cool. Ang sabi niya pa ay maganda daw na dito siya tumira para maturuan siya ni Nhicka na gumawa ng mga ito.

Nhicka.

War-tech.

Cars.

Tumakbo ako sa dulo ng pasilyo kung nasan ang elevator papunta sa opisina ni Nhicka. Sumarado ang pinto ng elevator at nakita ko pang sumunod sila Polo.

Inip na tumingin ako sa relo ko at nagalit pa ng matagal na bumukas ang pinto.

Paglabas ko ng elevator ay bumungad sakin ang puting kwarto na may mga gamit tulad ng baril, bomba, mga silencers. Lahat ay dumadaan dito bago nilalabas sa warehouse.

"Rexanne?"

"Rex.."

"Mama?" napalingon ako sa paligid ng marinig ang umiiyak na tawag ni Rexanne.

Savage QueenWhere stories live. Discover now