Hindi na napigilan talaga ang mga gustong mangyari sa RCG. Sigurado at sineryoso ni Polo ang utos na dagdagan ang seguridad at ire-shuffle ang lahat sa kaniya kaniyang trabaho.Gustuhin man namin na umapila ayaw naman naming kuwestiyunin ang mga desisyon niya. The people vote for him to lead us, that must mean we support whatever decisions he will imply for this organization.
That includes this..
Isang linggo matapos ang nangyari, lalong naghigpit sa buong RCG. Lahat ng entry points ay bantay sarado 24/7. Dinagdagan ang security ng bawat isa, lalo na para kila Hera na nasa condo.
Galing ako sa opisina ng company nila Daddy. Matapos pirmahan ang iilang papeles para sa approval dapat ay agad na didiretso ako sa RCG para sa meeting ng bagong kliyente pero hinahanap daw ako ni Rexanne.
"Mama, I need your approval for my fieldtrip."
"No, Rexanne." desididong sagot ko sakaniya.
Mula noon hanggang ngayon ay hindi siya nakakasama sa mga event na gaganapin sa labas ng premises ng Clarkson. Bukod sa ayaw namin magkamali sa pag labas sakaniya ay ayokong magpatayan kami ni Polo
She pouted her lips indication of her disappointment on my disapproval. Malungkot niyang hinihiwa ang manok na inihain sakaniya ni Hera. Tahimik din sa Paoline na nakikinig sa gilid.
Nag-angat ako ng tingin kay Hera at tinanguan niya ako na sumunod sakaniya sa kusina.
"Finish your food, girls." utos ko saka tinalikuran sila.
Pumasok ako sa kusina at naabutan si Hera na naglalagay ng ulam sa mga containers.
"You need to do something about her going out. They are not getting any younger, they need to go out sometime." bungad nito sa akin.
"Hera, magpapatayan kami ni Polo pag pinalabas iyan. Lalo na recently lang nagkaron ng issue tungkol sa attempt sakaniya. Ayokong irisk dahil lang sa isang fieldtrip."
Sumandal ako sa countertop at uminom ng tubig.
Rexanne is turning 8 in a few months and I can't help but think about it. Hindi na namin kayang itago siya sa mundo. May mga gusto na siyang gawin sa buhay niya na hindi namin mahindian dahil parte iyon ng paglaki niya.
We can't always say no. She will never grow. We were just too scared..we don't want to loose her. She is the only living proof of Yanna's memories. Every time we looked at her, it was Yanna we see.
Ilang taon naming pinipilit itago siya. No grand birthday celebrations, kung hindi nag-out of the country, palaging sa condo or sa resorts lang siya. She has no friends, si Paoline lang. Walang ibang bata sa RCG kung hindi silang dalawa.
Halos mag-makaawa pa siya sa Daddy niya na payagan na siyang i-normal school para lang makawala sa bahay. She has been home schooled since nursery. Ngayon na nasa gradeschool na siya, after ilang years ng pangungulit ay pinayagan na ng ama.
"Hindi niyo siya habbang buhay maitatago, Arvie. Prime and I are thinking about staying here.."
Napalingon ako sakaniya.
Hindi na sila aalis?
"Hindi namin nagugustuhan ang developmental progress ni Paoline these past years of being away and hiding. Wala siyang masyadong kaibigan, and she's becoming a bit violent every time someone wants to befriend her."
I didn't know. Hindi ko naman napapansin si Rexanne or hindi ko lang alam?
"We will stay here for good. In-enroll na siya sa Clarkson this school year, and she's been so happy eversince. Ngayon lang namin siya nakita na ganiyan. Talked it out with Polo and the others."